Chapter 62 Brothers

9.2K 217 12
                                    

62: Brothers

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Parang gusto kong tumakbo pero nakapako ang mga paa ko. Parang gusto kong umalis pero ayaw ng katawan ko. Parang gusto kong magsalita pero hindi kaya ng bibig ko. Parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.


Sa unang pagkakataon ay nakita ko siya. Nakita ko ang taong muntik ng manakit sa amin. Ang taong hindi ko inaasahang makikita ko. Ang taong noon ay kasama ko lang pero ngayon linalayuan at kinakatakutan ko na.




"Kamusta?" Tanong niya sakin. Parang gusto kong umiyak. Parang gusto kong humagulgol na parang bata dito nang muli kong marinig ang boses niya. Hindi ko na nagawang magsalita ng hilain ako ni Sarah papunta sa likuran niya. Tinabunan nila ako ni Stephanie.


"Heath! Please, stop." Sambit ni Sarah kay Heath. Biglang tumawa ng mahina si Heath.



"What are you saying? Anong ititigil ko?" Natatawang tanong ni Heath. Agad akong pumunta sa harapan niya. Hinarap ko siya. 


"Ayos lang ako. Ayos lang kami. Hindi mo na kailangan tanungin yan." Matabang kong sagot sa kanya. 



Aaminin ko na may galit pa din ako sa kanya dahil hindi naman madaling magpatawad. Kahit tayong nakakagawa ng kasalanan ay hirap humingi ng tawad sa mga nagawan natin ng kasalanan. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung galit pa din ako sa kanila.



"Mabuti at ayos na kayo. Masaya ako para sa inyo." Sagot niya sa akin. Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niyang masaya siya para sa amin pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin?


"Sige mauna na ako." Paalis na sana siya nang lingunin niya ulit kami. 



"Paala ko lang, layuan niyo yung mga lalaking yun. Hari-harian talaga sila dito. Pasensya na." Iyun na ang huling narinig namin sa kanya bago siya umalis. Hinawakan ako ni Stephanie. 


"Ayos ka lang Jassy?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanilang dalawa.



"Whhoo hindi ko inakala yun ah! Dito pala siya naka-rehab." Sambit ni Sarah. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inaya ko na silang mag interview para matapos na agad ang report namin.

__


"Bibili lang ako ah." Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita, Jassy." Sambit ni Stephanie. Pero pinigilan ko siyang tumayo.



"Wag na Stephanie. Ako na lang. Babalik din agad ako." Pagtanggi ko sa alok niya.

Alam ko naman na sinabihan siya ng magaling kong boyfriend. Ayoko naman siyang abalahin. Dahil nagsusulat siya kanina. Kaya ko naman mag-isa tsaka bibili lang naman ako eh. Hindi naman ako bata na maliligaw.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon