Chapter 4 For the First Time

18.9K 451 17
                                    


4: For the First Time


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Kumain ka na ba Jassy?" Tanong sa akin ni Kyla.

"Oo," Sagot ko sa kanya. Naalala ko bigla yung supot na binigay sa akin ng batang lalaki kanina.


"Kyla, binigyan mo ba ako ng pagkain?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Curious kasi talaga ako sa nagbigay nun eh.

"Huh? Eh hindi pa nga ako nakakapunta ng canteen eh. Bakit?" Sagot niya. Bigla akong nadismaya. Napa-isip ako, kung hindi pala siya ang nagbigay. Sino naman kaya?


"Ahh, wala. Tara, samahan kita sa canteen." Pag-aaya ko sa kanya. Para naman maiba ang topic namin. Hays. Buti at hindi naman ako gaanong kinulit ni Kyla tungkol doon. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang nagpabigay noon?

Mabilis namang natapos ang klase namin, at sa wakas uwuian na! Gustong-gusto ko ng umuwi kasi manunuod pa ako ng Dr.Stranger. Yiiee!! Nakakainlab talaga yun. Lalo na si lee Jong Suk!! Oppa!!


Habang naglalakad ako palabas ng gate ng school namin, sa hindi ko malaman na dahilan ay dinala ako ng mga paa ko sa....Corridor?!

Anong ginagawa ko dito? Bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Kiel!


"Mamaya sa corridor. After ng uwian."

Napasapo ako sa mukha ko. Dito ako dinala ng mga paa ko? Bakit? Tiningnan ko kung may tao ba dito, pero wala akong nakita? Nawala ang kaba ko at napalitan iyun ng inis. Linoloko nanaman ata ako nung unggoy na yun! Aalis na nga lang ako. Tumalikod na ako para umalis nang biglang may nagsalita sa likuran ko.


"Where are you going?" Mahina niyang tanong habang nararamdaman ko ang presensya niya sa aking linuran. Para akong nanigas na estatwa nang marinig ko ang mababa niyang boses.

"Ay, kalabaw!" Napahawak ako kaagad sa dibdib ko dahil sa gulat na naramdaman ko.


"Mukha ba akong kalabaw?" Tanong niya sa akin at marahas niya akong hinarap sa kanya. Hawak niya ang magkabilang braso ko at yumuko siya para maglebel ang mukha naming dalawa.

"Huh?" Iyun na lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko habang magkalebel ang mukha naming dalawa ni Kiel at malapit ito sa isa't-isa.


Lumayo ako sa kanya at inayos ang sarili ko. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ang tagal mo, Panget?" Tanong niya dahilan para mapa-ismid ako sa kanya.


"At tsaka magtatangka ka pang umalis, huh?" Ngumisi siya sa akin na parang aso.

"A-akala ko kasi walang tao." Nauutal kong sagot sa kanya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.


"So, sa tingin mo hindi ako tao?" Bigla akong natawa sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko. Nagsalubong lang ang mga kilay niya.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon