"Ha?? Oh sige... Nando'n na 'yong driver. Hatid na kita sa labas." Alok ni Wayne. "Ihahatid ko muna siya sa labas..." Sabi ni Wayne sa akin. Tumango lang ako.

"Bye, Mary!"

"Bye, Sasha..."

Ngumiti naman si Mary at sabay silang naglakad paalis.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Uminom muna ako ng iced tea at kumuha ng dalawang pirasong slice ng pizza at naglakad lakad. Lumabas ako ng dinning area at pumunta sa napakalaking sala nila. Mayroon akong nakikita na mga maid na naglilinis. Hindi ko na 'to pinansin dahil may namataan ako sa bandang sulok na mga litrato. Mga picture frame na kay dami dami.

Lumapit agad ako do'n habang kumakagat ng pizza. I think tapos naman silang maglinis dito eh. Wala akong makitang alikabok! Sobrang linis lang! Mas malinis pa sa uniform ko!

Napatingin ako sa isang picture frame na siyang pinakamalaki duon. Nakaupo ang mukhang may edad na na lalake at babae. Nakatayo naman sa magkabilang gilid ang isang maliit na babae at isang lalake. Batid ko'y si Wayne 'yong isa.

Napatitig ako roon at maya maya ay nakompirma kong si Wayne nga! So cute! Sa kabilang gilid naman ay 'yong litrato nila Wayne at yung maliit na babae. Baka nga kapatid nya 'yon eh. Ang ganda ng kapatid niya. Maputi at nakangiti. Sa kabilang litrato naman ay may apat na lalaki. Mga nakatayo. Nakangiti silang lahat. Wait, parang familiar to sila, ah? Sino kaya? Kumunot ang noo ko saka napatitig do'n.

Litrato to ng T4, ah? I think mga 8 or 12 years old tong mga 'to. Tapos, ang gaguwapo pa! Naka akbay pa sila sa isa't isa habang nakatayo. Naku, ang gandang tignan!

Siguro matagal tagal na rin silang magkaibigan. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka kinuhanan 'yon ng picture. Kinuhanan ko 'yong picture na kasama silang apat pero syempre halos lahat ng kinuha kong picture ay kay Marx naka-focus! Ang guwapo guwapo niya talaga!

"Guwapo ano?"

"Ay shet!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko.

Jusko naman kase! 'Tong si Lola, nanggugulat! Wait—Lola? May Lola pala rito? Wala namang nabanggit si Wayne, ah? Baka multo 'to? Oh my gosh!

"Hija..."

"Ah! y-yes po?" Natakot ako sa kaniya.

Maayos namang ang itsura niya. Napatingin ako sa damit niya. 'Yong damit nkya ay pareho sa mga maid!

"Kaklase ka ba ni Wewe?"

What?

Who's Wewe?

"Sino po si Wewe?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah si Wewe ba? Ay siya si Way---"

"Manang!"

Napatingin kaming pareho ni Lola sa may likod kung saan nanggaling 'yong sigaw. Salubong ang kilay ni Wayne habang nakanguso at diretso ang tingin sa katabi ko.

"Oh! Ayan na pala si Wewe."

I tried hard not to laugh pero natawa ako ng mahina. Agad ko namang itinikom ang bibig ko. Ang cute ng name! Wewe wewe!

"Manang kasi, eh!" Pagmamaktol ni Wayne. Natawa ulit ako ng mahina dahil ngayon ko lang siyang nakitang nagmamaktol. Ang cute lang.

"Ano ba 'yon, Wewe? At saka, hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa iyong kaklase?"

"Hays! Si Manang naman oh!" Napakamot ng ulo si Wayne. Namumula siya. "Ah, Manang, si Sasha. Classmate ko po... Sasha, si Manang," dagdag niya. Ngumiti ako.

"Hello po..." Sabi ko sabay mano sa kaniya.

Aba kahit iba na ang panahon ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutang magmamo kahit pa gaano ka pa kayaman!

"Ang ganda mo naman, Hija, " nakangiting wika ni Manang. Ngumiti naman ulit ako. Syempre, maganda talaga ako, no!

"Si Manang Rita ay kasambahay namin sa matagal ng panahon. Siya ang nag-aalaga sa'kin noon no'ng bata pa lang ako..." Dugtong pa ni Wayne.

"Ang bait naman kasi ng mga magulang nitong si Wewe, eh, kaya tumagal ako rito," sabi ni Manang Rita. "Oh siya sige. Maglilinis pa kami ng hardin..." Dugtong nito at tinalikuran kami.

Sumunod naman sa kaniya yung ibang katulong. Base sa obserbasyon ko ay mga nasa animnapu at pataas 'yong edad ni Manang!

"Wewe. Hahaha!" Ay! Nag fe-feeling close ako kay Wayne. Shems!

Nahihiya siysng tumingin sa 'kin. Actually, namumula siya ulit.

"Just forget that name." Napakamot siya sa batok.

"Bakit nga pala Wewe?" Natatawa kong tanong. Hinfi ko alam pero feeling ko ang feeling close ko talaga. "Ang cute ng Wewe."

"Nickname ko. Shut up ka lang, ha?" Dagdag niya. Natawa na naman ako ng bahagya dahil sa ka-cutan nitong lalaking 'to. Naku! SAna Nandito si Zell!

This boy is really cute and handsome at the same time. Pero kay Marx pa rin talaga ako.

"Okay," Wika ko at napatingin ulit do'n sa litrato. "Matagal na ba kayong magkaibigan?" Sabay turo ko sa may litrato kung saan nado'n silang apat.

"Yes. We're friends since when we were 10 years old..." Nakangiting sagot niya. "It's so nice to have friends like them since I was a child." Napangiti ako sa sinabi niya.

Ganon rin naman ako, ah? Ang sarap sa feeling na mayroon kang mga kaibigan.

"Ah... okay. Wait, kapatid mo ba 'to?" Tanong ko sa kaniya sabay turo do'n sa family picture nila.

"Yes. At ito naman ang Dad at Mom ko," Turo niya ro'n sa litrato kanina.

Tumango tango naman ako. Maganda 'yong nanay ni Wayne, ah?! Dinaig pa ako pero joke lang! Mas maganda ako no! 'Yong Daddy niya naman ay guwapo rin! The genes!

"Wala ba 'yong parents mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala pa pero ngayon ang dating nila," Nakangiting sagot nuya naman.

"Pati 'yong kapatid mo?"

"Yeah..." 

Maya maya ay tinignan na namin yung nagawa naming painting. Maganda talaga siya. Si Wayne talagaa ang bumuhat sa amin sa project na 'to.

"Ah... Sasha," tawag sa'kin ni Wayne.

Kumagat naman muna ako sa pizza na hawak ko. Nakalimutan ko pala na may pizza pa pala akong dala.

Lumingon ako sa kanya. "Bakit?"

"Can you keep my nickname as a secret?" Seryosong tanong nito.

"Sure..." I wanna ask why but I stopped myself.

"So..." Tumingin sya sa'kin at naglahad ng kamay. "Friends?"

Napatingin din ako sa kamay niya. Seryoso ba 'to?

"Friends," nakangiting sabi ko sabay tanggap sa kaniyang kamay.

Hindi ko alam pero parang ang ganda sa pakiramdam na bati kami ng Third Prince ng Sky Hexton! Ang bait bait niya pa. Isn't that nice? Baka siya na ang tulay!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now