Chapter 61 We meet again

Start from the beginning
                                    

Sumagi sa isip ko, na dapat ay bitawan ko na ang nakaraan at bigyang pansin ang kasalukuyan. Dahil madaming tao at mga bagay ang naapektuhan. Gaya na lang netong nangyari sa amin. Masyado kong inisip ang mga nangyari kaya hindi ko na napapansin si Kiel. Kaya maski ang una at sarili naming monthsary ay nakalimutan ko.



Sobra akong naiinis sa sarili ko. Nanghihinayang ako sa effort na ginawa at hinanda ni Kiel para sakin at para sa monthsary namin. Lahat ng plano niya para sa unang monthsary namin ay nasira.




Meron akong mga bagay na dapat iprayoridad, at isa na ang pag-aaral ko and family ko pati na rin ang mga kaibigan kong pumapaligid sa akin. 


But I should not forget that Kiel is also my priority.




"I'm sorry Kiel.." Hindi ko na alam kung nakaka-ilang sorry na ako sa kanya. Sobra lang talaga akong na gi-guilty.


I felt his warm hands caressing my back. Bigla akong napapikit, unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko habang nakayakap ako sa kanya.



"Sorry na ulit. Hindi ko lang talaga naalala. Wag ka ng magalit sa akin." Bulong ko sa kanya habang sinusubsob ko ang mukha ko sa katawan niya.


"I'm not. I just can't" Malumanay niyang sagot sa akin. Humarap ako sa kanya na may kunot ang noo.



"Kahit na gustong-gusto kong magalit sayo hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung bakit pero myself can't take a damn minute not talking to you. Nung nag-away tayo sa Resort? Laking pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko wag lang kita maka-usap dahil nagtatampo ako sayo nun. But when you wore that fvcking swim bra? I just couldn't help other boys stare at my girl's body." Paliwanag niya sa akin. Tinitingnan niya ako sa mga mata ko at para bang gusto kong malusaw na lang na parang yelo dahil sa mga titig niyang katunaw-tunaw talaga.



Hinawakan niya ang pisngi ko. 

"Jassy, don't make me jealous. I am a fvcking ass when it comes to jealousy. Hindi mo ako masisi kapag gusto kong makapatay ng tao." Pag-amin niya sa akin. Wala akong masabing salita sa kanya kahit pagtango ay hindi ko magawa.



"But I promise to you, Ikaw lang Jassy. Ikaw lang. Jeje man pakinggan pero Ikaw lang talaga." Hinawakan niya ang kamay ko at linagay niya sa kaliwang dibdib niya. Namanhid ang kamay ko. Shete!! Ang tigas ng dibdib niya. Omay!! Tinampal ko ang sarili ko, wala akong oras lumandi ngayon. Kaya get yourself, Jassy.



"Ikaw lang, Jassy. Wala ng iba."


Sa wakas nakita ko na ang mga ngiti niya. Ang mga ngiti niyang kinahuhumalingan ko at hindi ko pinagsasawaan. I could spend my whole 24 hours just looking at him.



Hinawakan ko ang pisngi niya at unti-unti kong linapit ang mukha ko sa mukha niya. I gave him a sweet and light kiss on the lips. I looked straight to his eyes.


"Ikaw lang din, Kiel." Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya rin ako ng mga ngiti niya. Magsasalita palang sana ako nang bigla niya akong kabigin at hinawakan sa likod.




What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now