Chapter 60 First Monthsary

Magsimula sa umpisa
                                    


"Jassy.." Agad akong nakaramdam ng kamay na humawak sa aking braso. Tiningnan ko siya at nakita ko si Kiel nasa likuran ko at nakatingin sa akin ng diretso.



Nanlaki ang mga mata nila at hindi makagalaw. Mga natameme sila dahil sa pagsagot ko sa kanila.


"Wag mo silang patulan..." Panimula niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.



"Because I should be the one." Dugtong niya at agad siyang pumaharap sa akin at hinarap ang mga kaklase niya.


"Hoy! Itikom niyo yang mga bibig niyo ah! Kung magdadaldalan kayo at magchi-chismisan ng mga walang kwentang bagay, doon kayo sa walang tao. Labas!!" Utos ni Kiel sa mga kaklase niya. Pumaharap siya sa akin para harapin ang mga kaklase niya.



Parang mga uod na sinabuyan ng isang drum ng asin ang tatlong babae. Hindi sila mapakali at nagtata-takbo makalabas lang ng room nila. Nadapa pa yung isa dahil sa pagmamadali. Lahat sila ay takot pa din kay Kiel, sa boyfriend ko. Dahil hari-hari pa rin siya dito sa school namin. Pero masasabi kong hindi naman kalala katulad dati na nangbu-bully siya ng mga estudyante. Nag improve naman siya ngayon.



Tumalikod sakin si Kiel upang harapin ako. Nakita ko ang mukha niyang nag-aalala sa akin.


"Don't listen to them." Sambit niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.



Bigla akong napayuko at napapikit. Ang sakit. Ang sakit makarinig ng mga hindi magagandang bagay at salita sa ibang tao na tungkol sayo o sa kaibigan mo. Wala naman tayong magagawa kung iyun ang tingin nila sa atin. Pero sana man lang ay bago sila magsalita ng masama sa iba, ay alamin muna nila ang katotohanan. 


Dahil maraming nabibiktima ng maling akala.



"Shh. Baby, don't cry." Malambing na sambit ni Kiel sa akin. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko at yinakap niya ako ng mahigpit.


"Wala silang alam. Kaya wala rin silang masabing maganda. Tayo, alam natin ang totoo. At naiintindihan natin yun. Kaya please, baby. Wag ka ng umiyak. Kakabati lang natin eh." Pagpapa-amo niya sa akin.



Ang tinutukoy niyang kakabati lang namin ay dahil yun sa mahigit isang linggong panlalamig ko sa kanya. Oo, sinadya ko yun. Dahil naiinis pa rin ako sa pagkukunsinti niya sa magaling niyang bestfriend sa plano nila ng kapatid niya. Ine-explain niya sa akin ang side niya pero hindi ko siya pinapakinggan. Ang totoo niyan kaya naging cold ako sa kanya ay dahil naghanap muna ako ng oras para makapag-isip-isip ng mag-isa. At tanggapin ang mga nangyari, pero mahirap pa rin palang tanggapin.




"Nakakainis sila eh! Wala naman silang alam sa mga nangyari tapos makapagsalita sila, akala mo kilalang-kilala na nila si Kyla. Eh hindi nga nila classmate si Kyla eh!" Para akong batang humahagulgol sa kanya habang nakayakap. Hinamas lang niya ang buhok ko at pinatahan ako. 

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon