Chapter 43 • Back to the present

1.6K 46 1
                                    

Photo made by me

Photo Quote:

I Love You... You also do...

But we know our love is impossible...

So sadly everything will on remain as...

Memories...

******

Lazaro's POV

Wala na siya...

Pumunta ako sa bahay nila at nakita ko ang labi niya..

Pero alam kong hindi siya yun...

Dahil ang namatay ay si Binibining Alexandra...

Si Alexia ay buhay... Ngunit siya ay nasa hinaharap...

Pauwi na sana ako pero may parang humatak sa akin papunta sa hardin ng rosas...

At nagpunta ako doon.

At umupo sa loob ng kubo kung saan kami nahuli noon, at ang naging dahilan para ipagkasundo sila na magpakasal...

Napangiti ako ang konti dahil doon... Pero mas nanaig ang sakit...

"Lazaro..." Narinig ko mula sa aking likuran... Pamilyar ang tinig na yun.

At tama nga ako. Dahil pag talikod ko. Nandoon siya...

Ang babaeng mahal ko...

"Alexia..." Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako. Medyo tumawa siya.

"Nakakatuwa na ang totoong pangalan ko ang tawag mo sakin Ginoong Lazaro..." Sabi niya at bumitaw kami sa yakap. Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at hinawakan ko naman yung kamay niya.

"Lazaro... Ngayong pwede na... Hayaan mong sabihin ko sayo na... Mahal na mahal kita... Kahit sinulat ko na sa liham... Mas maganda kung sasabihin ko din diba?" Sabi niya sa akin at ngumiti. Ngumiti din naman ako.

"Mahal na mahal din kita Alexia..." Sabi ko at mas lalo siyang ngumiti...

"Akala ko lola ko mahal mo! Si Lola Alexandra! Haha!" Sabi niya habang tumatawa.

"Ikaw lang ang mahal ko... Kahit saang panahon ka pa galing..."

"Sige po lolo! Mahal na mahal po kita! Haha! Biro lang! Lazaro... I Love You! Oops! Ingles yun ng Mahal Kita! I love you!" Sabi niya habang nakangiti...

"I Love You..." Sabi ko kaya mas lalo siyang napangiti...

"Paalam... Hanggang dito nalang... Muna... Hanggang sa muli... Mahal ko..." Sabi niya at lumuha. At niyakap ako.

"Paalam din mahal ko... Alam ko na magkikita pa tayo... Magihintay ako... Kahit gaano pa katagal..." Sabi ko at hinalikan siya sa labi ng mabilis. Pinunasan ko din ang luha niya...

"Paalam..." Sabi niya at unti unti na siyang naglaho...

Kaya unti unti ng tumulo ang mga luha ko...

Maghihintay ako... Kahit ilang taon... Kahit hanggang mawala na ako sa mundo... Maghihintay ako... Para sayo... Mahal ko...

November 22 2020

Sophia's POV

Pagkatapos mamatay ni Alexandra Maribella. Nagluksa ang pamilya. Malungkot sila...

Masaya na sana dahil may dagdag sa kanilang pamilya... Ngunit nabawasan pa yata...

Kinasal naman ang dating kasintahan ni Alexandra na si Lazaro Alfonso kay Lyn Corpuz. Na ikinagalit naman ng Pamilya Maribella. Dahil kakamatay lang ng kanilang anak... Ganoon lang kabilis siya ipagpalit...

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now