~Chapter Eight ♥ Nahuhulog na ba ako?~ & ~Chapter Nine ♥ Ano ba ang Pag-Ibig?~

4.2K 101 100
                                    

Here it is guys!! Sorry if I did not post yesterday... Because I worked for thisss!!

---------

Song: Nahuhulog Sa'yo by Gabbi Garcia.

Play the song to feel more the feels...

******

|Chapter Eight Nahuhulog na ba ako?| & |Chapter Nine Ano nga ba ang pagibig?|

(CHAPTER 8 • NAHUHULOG NA BA AKO?)

Crystal's POV

Pagdating ko sa Hacienda napansin ko na nakasakay si Don Jose Alfonso at Donya Margarita Alfonso sa isang kalesa tapos umalis sila pero wala si Lazaro... Kaya naisipan kong tanungin yung batang babae na kasambahay nila....

"Umm Hija, alam mo ba kung nasaan si Ginoong Lazaro?"

"Ah... Binibini sa tingin ko po ay nasa Hardin po siya ng rosas" sabi niya. WHAT!!! No!! So ibig sabihin nagkita sila!! Hindi to pwede!! Dapat ito yung araw na sasabihin ni Lazaro kay Lyn na mahal niya siya..

Nagbago na ang nakaraan... Kailangan ko to itama!! Bakit ba kasi hindi nila mapigilan yung mga damdamin nila...

Madali lang naman pigilan ang damdamin ah!

1. Iwasan mo siya at wag mo siya kausapin.
2. Wag na Wag mo siya isipin.
3. Magconcentrate sa ibang bagay.

Yun lang... Sigurado akong mapipigilan mo na ang damdamin mo!!! 100% sure!!!

Wait lang pupuntahan ko pa pala si Alexia!!

Kaya ayun sumakay ako sa kalesa ko at pumunta sa Hardin ng Rosas.

(START PLAYING SONG HERE)

Alexandria's POV

Kanina pa kami naguusap at nagtatawanan ni Lazaro sa loob nung kubo sa gitna ng hardin na ito... Sobrang komportable ako na kasama siya... Parang kasama ko lang si Blaze... At ngaon alam ko na kung bakit masaya yung damdamin ko nung makita ko siya... Kasi kamukha niya si Blaze, at yun lang yun...

"Binibini, nagmahal ka na ba?" Tanong sakin ni lazaro.

"Oo... Pero hindi ko nasabi yun sa kanya..."

"Bakit? Anong nangyari sa inyo Binibini?" Tanong niya. Sabay napaluha ako....

"Noong sinabi niya na mahal niya ako... Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya... Noong sasabihin ko na... Tinawag ako noong isang isa kong kakilala... Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na nakipagusap dun sa kakilala ko ng hindi man sinasabi yung salitang 'Mahal Kita' dun sa taong mahal ko... Pinagsisihan ko lahat yun dahil... Biglang tinawag ako ng kaibigan ko at nakita ko na... Patay na siya... Wala na siya... Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya..." Sabi ko habang tuloy-tuloy yung pagbuhos ng luha ko...

"Pasenya na Binibini, kung ika'y aking napaiyak... Pakiusap Binibini tahan na..." Sabi niya sabay punas ng luha ko... At bigla kong naramdaman na ambilis nanaman ng tibok ng puso ko...

"Sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko dahil nakwento ko to sayo... Dahil hindi ko pa to nakwento sa iba ehh..."

Pagkasabi ko nun biglang may pumasok sa kubo...

SI AMA AT INA!!! WAHHHH!!

"Anak anong ginagawa niyo rito?" Sabi ni ina. At bigla kong naalala yung nabasa ko na libro dati na "I Love You since 1892" favorite ko yan dati... Ang nangyari, nahuli ng Ama ni Carmela at ng Ama ni Juanito sila Carmela at Juanito sa may puno ng mangga, tapos akala nila kung ano yung ginagawa nila... Tapos ang nangyari pinagkasundo sila na ikasal!! AYOKO MANGYARI YUN SAKIN!! WAHHH!!!!!!!

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now