~Chapter 34 ♥ Hindi mo ba talaga ako mahal?~

1.3K 43 5
                                    

Photo made by me

Photo Quote

Why do we have to fall for someone,

Destiny has forbidden us to...

******

|Chapter Thirty Four Hindi mo ba talaga ako mahal?|



Alexandria's POV

Nagising ako ng may sobrang malungkot na feeling.

Yung feeling na gusto mo nalang humiga sa kama mo at huwag ng bumangon pa....

Pero kailangan kong bumangon para itama ang damdamin niya...

Pero... Diba... Hindi naman niya talaga ako mahal?

So anong saysay nito?

Lazaro....

Hindi mo ba talaga ako mahal?

"Mahal ka niya Alexia..." Narinig kong sabi ni Crystal.

"Pero--"

"Dahil hindi mangyayari ang misyon na ito kung hindi ka niya mahal. At maging ako... Alam ko... Na mahal ka niya..." Paliwanag niya.

"Eh sinabi niya kay Lyn--"

"Bakit kasi... Hindi mo pakinggan yung 'explaination' niya?" Sabi niya.

"Sige... Pero aatupagin ko muna yung 2nd mission ko... Kaya pupuntahan ko si Lyn..."

"Sigurado kaya mong gawin yan? Masasaktan--" sabi niya pero pinutol ko siya.

"Don't worry about me! Kahit masaktan ako ng pa ulit-ulit ng dahil sa pag-ibig... Hindi naman ako mamatay... PERO ikaw... Pag hindi ko to ginawa... Deads ka! Okay?!"

"Sige... Punta na!" Sabi niya.

Palabas na sana ako ng kwarto pero naalala ko. HINDI KO PALA ALAM KUNG SAAN AKO PUPUNTA!

"Teka! Saan ako pupunta?" Sabi ko at sabay kaming tumawa.

••••••

Andito ako ngayon sa labas ng bahay nila Lyn. Infairness mayaman din ito!

"Anong kailangan niyo Hija?" Tanong sa akin ng isang matandang lalake.

"Umm... Nandito po ba si Lyn Corpuz?"

"Oo Hija! Sige... Sandali lang... Kayo ba ay mag-kaibigan?" Sabi niya. Magkaibigan ba kami? Ewan!

"Siguro..." Sabi ko at tumango yung matanda.

Mga ilang minuto bago ko nakita si Lyn na lumabas.

"Magandang Umaga 'Binibining' Alexandra" sabi niya. Bakit parang may something sa pagkakasabi niya nun?

"Magandang umaga din... Gusto lang kitang maka-usap..."

"Walang problema! Tungkol saan? Kay Lazaro?" Sabu niya. At yung boses niya parang may pagka "evil" ang dating at nag-smile siya ng may pagka "bitter".

"Oo--"

"Wag ka mag-alala hindi ko na siya aagawin sa'yo. Kasi mukhang nahulog na ang loob mo sa kanya! " Sabi niya. ????????

"Pero... Yun ang gusto kong gawin mo... Agawin mo siya sa a-akin..."

"Bakit ba gusto mong agawin ko siya? Halata naman na gusto mo siya... Bakit mo ba gusto tong gawin ko?" Sabi niya. OH NO! I can't think of a good reason!

"Dahil... Kayo talaga ang totoong nagmamahalan! Nagiging mabait lang talaga ako! Yun! Yun ang dahilan!"

"Sige... Gagawin ko... Pero alam ko... Hindi yan ang totoo mong dahilan... Pero ayos lang." Sabi niya at pumasok na sa bahay niya.

Umalis nalang ako.

••••••

Pag-dating ko sa bahay nakita ko na nandoon si Lazaro.

OMG! Kailangan ko magtago!!

Pero bago pa ako makapag-tago. Nakita na niya ako.

"Alexandra..." Sabi niya. At lumapit sa akin. Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko. At kinakabahan ako ng super. Ring na nga at yung tibok ng puso ko hanggang U.S.!

"O! Bakit ka n-nandito?! S-S-Sige!! Umm! P-Pasok muna ako!" Sabi ko at tatakbo sana papasok pero nahawakan niya yung kamay ko.

"Sandali lang... Maari bang... Mag-usap tayo?" Sabi niya sabay hila sa akin sa may hardin.

OH NO!! WAG DITO!! AYOKO MAULIT YUNG.... UGHHHH!!!!

Umupo kami dun sa same spot na... Alam niyo na!

Tinitigan niya ako sa mata at hinawakan yung pareho kong kamay tsaka nagsalita.

"Alexandra... Kung akala mo na kasinungalingan lang lahat ng sinabi ko noon... Nagkakamali ka... Mahal na mahal kita..." Paliwanag niya.

"..."

"Mahal mo din ba ako?" Tanong niya.

Para kay Crystal at para sayo...

"Hindi! Hindi kita mahal! At kung akala mo gusto kitang pakasalan! Hindi ayoko! Hinding hindi ako mahuhulog sayo!! Ikaw ang huling taong gusto kong pakasalan!!" Sabi ko at pumiglas sa kamay hawak niya sa akin.

At ayun naglakad na ako palayo.

Nararamdaman kong paluha na ako pero pinigilan ko... At nung makapasok na ako sa maarto ko doon na ako nagsimulang umiyak.

Oo nga mahal mo ako... Pero... Hindi mo ako pwedeng mahalin...

Hindi kita pwedeng mahalin...

BAKIT BA TUWING MAGMAMAHAL AKO MAY HUMAHADLANG!!

Wala ba akong karapatang magmahal?!

Lahat ba ng mamahalin ko maaring mapahamak?!?!

SINUMPA BA AKO!!!

Akala ko ba lahat tayo maaring magmahal?

Pero bakit? Bakit ko pa ulit-ulit pinipigilan sabihin ang salitang iyon sa taong mahal na mahal ko?

Naiintindihan ko naman na hindi ako nabibilang dito...

Pero sana naman...

Hindi niyo pinaramdam itong bw*sit na pag-ibig na to sa...

Isang taong hindi ko pwedeng mahalin!!!

At umagos-umagos ang mga luha sa mata ko... Habang nilalabas ko ang kalungkutan ng aking puso.

Lazaro's POV

Hindi mo ba talaga ako mahal?

O may pumipigil lang sayo na mahalin ako?

Alam ko at aking nadarama na ako'y mahal mo rin...

Ngunit iyong hindi masabi...

Bakit mo sinasabi na ako'y hindi mo mahal?

Kahit na nag iyong mga mata ay sinasabi na ako'y sinisinta mo rin...

Bakit kaya niya sinabi yun?

May pumipigil ba sa kanya?

Kailangan kong malaman.

******

Hi guys!! We are almost at the end!! Thank you for the votes also thank you for adding this story to your reading lists!!

Vote if you liked it!

Comment your thoughts/suggestions!

Follow me if you want!

-MYCAsophie13
😂😂😂

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now