~Chapter 35 ♥ Kung alam mo lang~

1.3K 51 3
                                    

Photo made by me

Photo Quote

If you only knew what I really feel..

But the sad thing is...

You never will...

******

|Chapter Thirty Five Kung alam mo lang|


Alexandria's POV

December 11 na... Masaya ako na malapit na akong maka-uwi...

Pero... Hindi ko pa napag-tatagumpayan yung para kay Crystal....

Hayy...

Nakatadhana siguro sa akin ang masaktan...

Pero okay lang na masaktan ako para maging masaya naman ang ibang tao.

Leonardo's POV

Lagi ko siyang tinitignan.

Lagi ko siyang sinusundan.

Lagi ko siyang minamahal.

Alam ko na mayaman siya at ako'y mahirap lamang...

Alam ko rin na hindi niya ako kayang mahalin...

At alam kong masakit...

Pero ano pa ba ang aking magagawa kung sa kanya tumibok ang aking puso?

Ngayon nakikita ko siyang naka-upo sa may hardin.

Hindi niya ako nakikita alam ko yun...

"Sana hindi nalang ako naging -------" yun lang ang narinig ko sa sinabi niya. Hindi klaro.

"Para pwede kitang mahalin..." Sabi niya. Sino? Sino ang kanyang tinutukoy?

Kaya ba hindi niya ako kaya mahalin dahil may mahal siyang iba?

"Mahal kita--" sasabihin niya sana pero.

Nagalaw ko yung isang banga kaya napalingon siya sa akin at nanlaki yung mata niya.

"A-Ano ang iyong ginagawa dito?!" Tanong niya.

"W-Wala po... Aalis na po ako..." Sabi ko at umalis na.

Sino ba ang taong iyong mahal Binibining Kristal?

Bakit nga ba hindi mo ako mahal?

Bakit nga ba tayo nagmamahal ng mga taong hindi tayo mahal?

Siguro nga pinaglalaruan lang ang ating mga ng bw*sit na tadhana!

Crystal's POV

Alam na niya kaya? Na isa akong diwata? Naintindihan niya kaya na siya yung taong mahal ko?!

Hindi... Hindi ito maari!!!

Binasa ko ng mabilis ang isip niya bago siya maka-alis.

Nalaman ko na hindi niya alam

Hay! Mabuti naman...

Nabasa ko din ang isip niya na tinatanong niya kung bakit hindi ko siya mahal...

Pero kung alam mo lang...

Mahal na mahal kita...

Alexandria's POV

Dahil wala akong magawa ngayon naisipan kong kumuha ng notebook at doon isulat lahat ng nararamdaman ko.

Hello! Ako nga pala si Alexandria Maribella!! Alexia nalang para mas madali!

Galing ako sa taong 2020

Normal lang ang buhay ko... Mahilig din sa gadgets katulad ng iba.

Sanay din ako na binibigay lahat ng kailangan ko ng walang kahirap-hirap!

Nagka-gusto ako dati kay Jon Florentino. Yun ay hanggang nalaman ko na nahulog na pala ang loob ko kay Blaze Alfonso na matagal ko ng kaibigan...

Noong inamin niya sa akin na mahal niya ako, sasabihin ko na din sana...

Pero ang tanga tanga ko!! Dahil hindi ko nasabi yun!

Nag-simula ng tumulo ang luha ko.

Dahil tinawag ako ni Jon at sumama naman ako!

Yun na yata ang pinaka maling desisyon na nagawa ko noon...

Dahil pag-balik ko...

Nalaman kong naaksidente siya!

Umasa ako na gigising siya pero hindi na siya nagising ulit...

Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.

At hanggang naging 2020 nga!! Nag-birthday ako!!

At ngayon nandito ako sa 1892!!

Nakikipag-sapalaran!

Nandito ako upang gawin ang isang misyon na hindi ko alam.

Pero mukhang nagagawa ko naman!

At nagulat ako dahil pag-dating ko dito akala ko nandito si Blaze bilang katuparan sa birthday wish ko!!

Yun pala si Lazaro Alfonso pala...

Ang lalakeng nag-papatibok ng puso ko ngayon...

Noong una akala ko, nararamdaman ko lang ito dahil kamukha siya ni Blaze. Yun pala... Minahal ko na talaga siya...

Minsan nga nalito pa ako dahil diba si Blaze lang ang mahal ko...

Pero... Alam ko na si Lazaro na ang mahal ko ngayon.

At nakakalungkot isipin na hindi kami maaring magmahalan...

At sa pangalawang pag-kakataon hindi ko nanaman masasabi na mahal ko ang taong mahal na mahal ko...

Kahit na hindi ko pa ako sigurado sa kahihinatnan natin...

Alam ko na sa huli... Hindi tayo ang para sa isa't isa...

Hindi mo nga alam na mahal kita eh!

Pero kung alam mo lang...

Mahal na mahal kita...

Kaya kung mahal kita... Hindi ko sasabihin yun... Handa akong masaktan basta hindi ka mapahamak ng dahil sa katangahan ko....

Kung sana lang hindi na maulit na hindi ko masabi ang salitang "mahal kita"

Pero eto talaga ang tadhana ko...

Ang hindi maranasan ang saya ng pag-ibig hanggang sa huli...

******

Grabe! 😭 Huwag niyo akong pag-tawanan ha!! Naiyak ako habang sinusulat to!!

Sigrado ako hindi naman kayo naiyak diba! 😂😂😂

Vote if you liked it!

Comment your thoughts/suggestions!

Follow me if you want!

-MYCAsophie13
😂😂😂

An I LOVE YOU from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon