~Chapter Ten ♥ The Announcement~

2.3K 62 12
                                    

Shot at Las Casas Filipinas De Acuzar

P.S. Don't mind me!! Mind the church!! TY!!

******

|Chapter Ten The Announcement|

Alexandria's POV

Oh my gosh!!! Sila Lazaro yung bisita namin!! Halaaaaa!! Anong ginagawa nila dito!!!! Di kaya may announcement sila na---

"Mga anak kami ay may iaanunsyo sa inyo" sabi ni Ama. MAY IAANOUNCE NGA!!! WAHHHHHHH!!! Di kaya... NO!!! AYOKO PA MAKASAL!! AHHHHH!!!

"A-Ano po yun ama?"

"Maupo muna tayo..." Sabi ni Ama... Tinignan naman ako ni Ina ng may pagaalala. HALA!! Baka nga... Hindi. Hindi. Hindi. Stay positive.

"Mukhang ipagkakasundo kayo ng pagpapakasal Alexia. Nabasa ko ang mga isip nila." Bulong sakin ni Crystal. Nanlaki yung mga mata ko, at natawa ng onti si Crystal. OMG!! NO!! AHHHH!!!!!!!!! HINDE!!!!

Umupo nalang kami at nakangiti lahat sila. Except ako at si Lazaro. Sa tingin ko hindi niya gusto yung mangyayari... Nahurt naman ako niyan!! WAIT!! Hindi ako nahurt noh!! Ok lang sakin yun!! Mas okay na rin to, parati kaming magkasama... Mas pwede kong paglapitin sila nung bestfriend niya na dapat maging love niya.... Tama!! Think of the positive side!!

"Alexandra, Anak..." Medyo nagulat ako nung sinabi yun ni ama.

"P-Po"

"Ikaw ay nakatakda ng ikasal kay Lazaro Alfonso. At nakatakda ito sa Disyembre Trenta." Sabi ni ama. Napainom nalang ako ng marami pagkasabi sakin nun. Kahit alam ko na kanina pa, siyempre hindi ko pa rin matake tong shocking news na to!!

"Ano namang masasabi mo dito Binibining Alexandra?" Sabi ni Don Jose. OMG!! Ano sasabihin ko?! Magiging masaya ba ako o hindi?! Halaaaaa!! CRYSTAL HELP!!

"Mukha naman pong masaya ang aking kapatid..." Sabi ni Crystal sabay tingin sakin... Nagnod nalang ako tapos ngumiti. Hayy thank you ate!! Hahah ngumiti naman sakin si Crystal.

"Ikaw Lazaro ano ang masasabi mo na magpapakasal ka kay Binibining Alexandra..." Sabi ni Ina...

"Masaya po..." Sabi ni Lazaro. Sakto naman may lama yung bibig ko. At lahat ng yun nalunok ka ng deretso sa lalamunan ko. Kaya feeling ko nasasamid ako!! Ahhh!

"*cough* *cough* Tu-Tubig!!" Sabi ko. Tapos binigyan naman ako ni Crystal ng tubig.

"Alexandra ayos ka lang?" Sabi ni Crystal na muntik ng matawa. Nakita ko rin na nagpipigil matawa si Lazaro. Nakatingin naman ang lahat sakin... HALLLAAAAA!! NAKAKAHIYA TOOOOO!! WAHHHH!!

"Ah-- Eh-- Okay-- Este-- Ayos na po ako... Kain na po tayo.." Sabi ko sabay nagpilit ng ngiti. Nakita ko nakangiti lang si Lazaro habang kumakain. Nahuli ko naman na nakangiti siya sa akin... Bigla ko nanamang naramdaman na malakas ang tibok ng puso ko... Nagkatinginan kami... Medyo matagal... Tapos nung umiwas na kami ng tingin nakita ko na ang laki ng ngiti niya. GRABE SIYA OH!!!

••••••

"Salamat po sa pagtanggap niyo sa aming pamilya... Kami po ay aalis na..." Mahinhin na sabi ni Donya Margarita. Tumingin naman ako kay Lazaro, at nakita ko na nakatingin rin siya sakin... Bumagal yung mundo ko... Nginitian niya ako at hindi ko napigilan na mapangiti rin...

Hindi kaya... Mahal---- NO!!!!!!!!! NO!!! Hindi ko siya mahal noh! Ang mahal lang, yung mga bilihin sa 2020!! yun lang!! Crush ko lang siya yun lang!!

Ayun umalis na sila.... Pumunta nalang kami ni Crystal sa kwarto namin...

"Alexia, tandaan mo may misyon ka!! Wag ka puro titig sa kanya!!" Sabi ni Crystal.

"Oo alam ko!! May plano na rin ako!!"

"Ano?" Tanong niya.

"Basta..."

Lazaro's POV

Nakauwi na kami ngayon sa aming hacienda. Ilang beses rin kami nagkatitigan ni Binibining Alexandra kanina... Kakaiba ang aking nararamdaman para sa kanya... Ako'y hindi man sigurado ngunit pakiramdam ko ay ako'y nahuhulog na para sa Binibini... Hindi naman siguro mali ang aking nararamdaman pagka't kami'y nakatakdang ikasal... Ngunit paano naman si Lyn? Nandito pa rin ba ang aking pagmamahal sa kanya?

Marami akong katanungan na mahirap mabigyan ng kasagutan... Ngunit isa lamang ang nasisiguro ko... Na nahuhulog na ang aking damdamin para kay Binibining Alexandra.

******

Hello guys!! Short update lang today kasi marami akong ginawang household chores ehhh!! Chill-Chill lang muna!!!

O ayan nakatakda na silang ikasal!! May happy ending kaya?? O wala??

Vote if you liked the chapter

Comment your thoughts/suggestions/ideas

Follow me if you want

-MYCAsophie13

😂😂😂

An I LOVE YOU from the PastOù les histoires vivent. Découvrez maintenant