~Chapter 25 ♥ The truth about Crystal~

1.4K 42 3
                                    

Late happy father's day sa inyong lahat!!

******

|Chapter Twenty Five The truth about Crystal|


Crystal's POV

Sa kalagitnaan ng gabi nagising ako dahil narinig ko ang senyales na tinatawag ako sa kaharian... Hindi kaya dahil ito sa... Nararamdaman ko para kay... Leonardo...

Pumunta ako sa aming kaharian at nakita ang aming reyna.

At sa inaasahan mukhang galit na galit siya...

Panginoon tulungan niyo po ako!

"Crystal! Nakakahiya ka!" Sabi ng reyna at lumapit sakin at sinampal ako.

"HINDI KA DAPAT UMIBIG SA ISANG TAO!!" Sigaw ng reyna. At nagsimula na akong umiyak...

"Patawad po... Hindi ko lang po napigilan... Pero hindi ko naman sinabi sa kanya---"

"KAHIT NA!!! NAGING KATULAD MO NA ANG MGA TAO!!!  PINIPILI NILANG MAHALIN ANG MGA HINDI MAARI!!! KATULAD NA LAMANG NG MGA MAGULANG MO!!" Sabi ng reyna. Ano? Katulad ng.. Magulang ko? Mga tao?

"P-Po?"

"Ang mga magulang mo, ang totoong mga tao sa istoryang kinwento sayo ng nanay mo noong bata ka... And Dalawang nilalang na nakaramdam ng bawal na pag-ibig...  At hiniling namin na sana yun na ang huli... Pero mukhang... Nangyayari na ulit..." Sabi ng reyna. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.... Ang mga magulang ko pala ang totoong tao sa likod ng istoryang yun!!! Ang istorya noong bata pa ako... Kasama ang aking ina....

Flashback

"Ina! Kailan ko po ba makikita si Ama?"

"Anak... Gusto mo kwentuhan nalang kita?" Sabi ni Ina. Bakit ganoon iniba ni Ina ang usapan... Pero gusto ko marinig ang kwento!

"Sige po Ina!"

"Isang gabi naglalakad ang diwatang nag-ngangalang Maria, ang kasalukayang Diwata ng Oras..."  Sabi ni Ina.

"Ina! Kapangalan niyo po!"

"Oo anak... Sige ituloy ko na...

Bawal na Pag-ibig (Gawa-Gawa ko lang 'to!):

Isang gabi naglalakad ang diwatang nag-ngangalang Maria, ang Kasalukayang Diwata ng Oras.

At dahil hindi maaring umalis si Maria noong panahon na yun sa Kaharian

Si Maria ay tumakas lamang sa kaharian sa panahong yun upang masilayan ang piesta sa bayan.

Nang makarating doon si Maria siya ay nagtago sa likod ng isang malaki na puno. Siya ay napuno ng kasiyahan sa nakita niya. Ngunit hindi niya inasahan na may lalakeng nasa likod niya noon.

"Binibini ano ang iyong ginagawa dito?"

"Ah- Eh-"

"Halika... Sumama ka sa aming Piesta!" 

"Sige"

Sumunod si Maria sa lalakeng yun. Sa unang pagkakita palang niya sa lalake ay may naramdaman na siyang kakaiba, hindi pa niya ito naramdaman dati...

Hawak ng lalake ang kanyang kamay noon.

Tumingin kay Maria ang lalake. At bigla silang napatigil sa paglalakad at nagkatitigan.

An I LOVE YOU from the PastOn viuen les histories. Descobreix ara