~Chapter 14 ♥ Mahal na nga ba kita?~

1.8K 53 4
                                    

Photo made by me

Photo Quote:

Love is confusing... You are never sure if it is the right thing to feel.

******

|Chapter Fourteen Mahal na nga ba kita?|

Year 1892

Lazaro's POV

Sinabi niya sa akin na hindi niya ako mahal... At ngayon alam ko na, na hindi sa lahat ng pagkakataon kapag minahal mo ang isang tao... Ay mahal ka rin niya...

Habang tinigtan ko siya ngayon ay parang siya ay may tinatago... At parang sa kilos niya ay tila siya'y nagiisip.

"Binibini, ikaw ba ay may nililihim?"

"A-Ako? W-Wala noh!" Nauutal niyang sinabi. Siya'y nauutal, di kaya siya ay nagsisinungaling?

"Sige... Ngunit Binibini... Hindi mo ba talaga ako mah---" pinutol niya ako.

"Uhm uwi na tayo..." Sabi niya. Bakit tuwing sasabihin ko ang salitang yun pinuputol niya ako.

"Sige. Tara na."

Naglalakad na kami ngayon papunta sa karwahe. Sinubukan kong hawakan yung kamay niya.

"G-Ginoo..." Sabi niya at binitawan ko yung kamay niya.

"Pasensya na Binibini." At nakikita ko na namumula siya.

Habang naglalakad kami ay nakikita king sumusulyap siya ng tingin sa akin...

••••••

Nandito na kami ngayon sa hacienda nila.

"Adios Binibini!"

"Adios Ginoo..." Sabi niya. Nakatitig kami ngayon sa isa't isa. Nakikita ko ang kanyang magandang mukha. Bumagal ang ikot ng aking mundo...

"Alexandra!" Sigaw ni Binibining Kristal dahilan para matigil ang titigan namin.

Tumingin siya ulit sa akin at naglakad na papunta sa kanilang bahay.

Sa bawat sandaling ika'y nakikita, aking damdami'y binabalot ng saya...

At nang sandaling iyong sinabi na ako'y hindi sinisinta, ang mundo ko'y parang naglaho na...

Alexandria's POV

Bakit ganoon? Bakit kapag mas lalo kong pinipigilan, mas lalong hindi ko napipigilan...

Bakit ganoon? Alam kong hindi pwede, mas lalo pang tumitindi...

Alexia and Lazaro:

Mahal na nga ba kita? Mahal na nga kita!! Mahal kita...

Crystal's POV

Nasa kwarto si Alexia ngayon... Papasok na sana ako pero...

"Kristal!!" Sigaw ni 'Ina'.

"Bakit po?" Sabi ko at nakita ko si Leonardo sa tabi niya. Napalunok nalang ako. ANK GINAGAWA NIYA DIYAN?! 😲

"Samahan mo si Leonardo ngayon sa Hacienda Alfonso para kuhanin yung binibigay nila na regalo para sa ating hardin." Sabi ni Ina. SABI KO IIWASAN KO SIYA!!!! AT ETO NANAMAN!! KASAMA KO NANAMAN SIYA!! AT MAG-GAGABI NA!!

"P-Po? Mag-gagabi na po..."

"Ayos lang iyon... Sige na lakad na kayo." Sabi ni Ina. Napalunok nalang din ako.

Naglakad na kami papunta sa karwahe. Si Leonardo nalang daw magmamaneho. Phew! Buti nalang hindi kami magkatabi sa karwahe!

"Binibini, bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong niya.

"Pinapansin naman kita ah! Bilisan na natin para hindi tayo gabihin." Sabi ko. At mabilis akong naglakad papunta sa karwahe.

••••••

Medyo matagal din yung byahe... Nakatulog pa nga ako eh! Haha!

"Binibini! Gising na!" Sabi ni Leonardo. At halos sumabog na yung puso kasi pagkanulat ko magkalapit yung mga mukha namin. Bigla naman akong napaatras. Napangiti nalang siya. CRYSTAL HINDI TO PWEDE!!! STOP YOUR HEART!!!

Bumababa nalang ako ng karwahe... At naglakad papunta sa gate. May lalake doon na hinihintay yata kami.

"Binibining Kristal! Eto na po yung mga pinapabigay ni Donya." Sabi nung hardinero nila. Kilala niya ako? Well ok!

"Pakibigay nalang kay Leonardo. Siya yung---"

"Kasintahan niyo po?" Sabi niya. What the heck?!

"Estás loco?! (Sira ulo ka ba?!)" sabi ko at natawa si Leonardo. Teka paano niya yun naintindihan eh indio siya?!

"Ano po Binbini?" Sabi nung hardinero.

"Wala! Siya yung hardinero namin!"

"Sayang bagay pa naman po kayo!" Sabi niya. Napangiti naman si Leonardo.

"Quieres morir?! (Gusto mong mamatay?!)" natawa nanaman si Leonardo. Naiintindihan niya talaga.

"Po?" Tanong nung hardinero.

"Wala!! Bilisan niyo na diyan!"

"Sige po!" Sabi nung hardinero.

••••••

Sa wakas pauwi na rin kami. Wait may itatanong pa ako kay Leonardo.

"Leonardo! Tiene que saber español? (Marunong kang mag-espanyol?)"

"Sí!" Sabi niya ng may ngiti sa labi.

"Mabuti naman kung ganoon.."

"Cuenta! (Tara!) " sabi niya.

"Cuenta!"

Sumakay na ako sa karwahe... Ilang minuto pa ang nakalipas may mga gwardia sibil na humarang sa amin. HALAA!!

******

Eyy guys!! Another update!! BTW we are back at #20 in Historical Fiction. It's fine!! And I'm still happy because this story is still on top! 😀

Thanks to my friend google translate for translating!! If there are any mistakes in the translations don't blame me please!! Just blam Google Translate!! 😁

Vote if you liked it!

Comment your thoughts/ideas/suggestions!

Follow me if you want!

-MYCAsophie13

😂😂😂

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now