~Chapter Seven ♥ Hardin ng Rosas~

3.5K 90 14
                                    

Shot at Las Casas Filipinas De Acuzar; Bagac, Bataan. Philippines...

******

|Chapter Seven Hardin ng Rosas|

Crystal's POV

Nangyari ulit kay Alexia yung nangyari kay Sophia... May lalakeng nakabangga sa kanya tapos, nagkatinginan, tapos ayon nga unti-unti nang nahuhulog yung damdamin nila para sa isa't isa... Kailangan ko to pigilan... Hindi dahil nangako ako kay Sophia... Dahil magugulo ang nakaraan... Ang dapat na makatuluyan ni Lazaro ay si Lyn Corpuz...... Pero mukhang may gusto si Alexia kay Lazaro, at hindi dapat ito mangyari...Isa pa... kapag nagulo ang nakaraan, ako ang mapapahamak... Kaya hindi dapat sila magkita ulit... Kailangan kong pigilan ang maaring pagmamahalan nila.

••••••

(Makalipas ang isang linggo)

"Kristal pakisabi sa kapatid mo na kayo'y pumunta sa haciendang ito at ibigay ang liham na ito" Sabi ni Donya Floresita... Pagkatingin ko ay ipapadala namin ito sa Hacienda Alfonso... Hindi to pwede... Kailangan hindi sumama si Alexia...

"Ina maari po bang ako na lamang po ang pumunta at hayaan po ninyo muna si Alexandra na umikot sa may Hardin ng Rosas..."

"Sige anak... Ikaw na lamang ang magsabi sa kanya..." Sabi ni 'ina'... Hayy thank goodness pumayag si Donya!!

"Sige po Ina... Ako na po ang bahala..."

Pagkasabi ko nun umakyat ako sa kwarto ni Alexia at sinabi sa kanya na mamasyal muna siya sa hardin ng rosas... At pagkasabi ko nun, umalis ako agad.

Alexandria's POV

Pinapunta ako ni crystal dito sa hardin ng rosas... Medyo boring kasi kahit maganda ang view, wala namang kausap... Kung dala ko lang ngayon yung phone ko nagsoundtrip na ako... At kung dala lang din yung mga pera ko!! Ha! Puputikan ko kayo lahat!!

Nagulat naman ako kasi biglang may lalakeng sumulpot sa likuran ko...

Si Lazaro

"Magandang araw Binibini ngunit... Ano ang dahilan ng iyong pagdalaw sa hardin na ito?" Sabi ni Lazaro... Bigla namang siya kumuha ng pulang rosas...

"Umm nagiikot lang ako... Wala kasi akong magawa sa bahay ehhh.. Kayo Ginoo ano ang ginagawa niyo dito?"

"Naparito sana ako upang kumuha ng bulaklak dahil sasabihin ko ang nadarama ko sa akong matalik na kaibigan..." Sabi niya... So ibig sabihin magkaka love life na tong si Blaze-Kalokalike!!

"Ganoon ba.. Sige goodluck-- ESTE!!! Sana ay maging maayos ang pagaamin mo sa kanya..."

"Ngunit parang hindi na sigurado ang aking puso sa aking gagawin" Sabi niya sabay tingin sa eyes ko.

"Bakit naman?"

"Simula noong isang linggo nagbago siya... Kaya hindi ko na lamang sasabihin sa kanya..." Sabi niya... Nakatingin pa rin siya sakin...

"Ehh paano yang bulaklak na yan?"

"Ibibigay ko na lamang sa isang binibini na sa unang pagkikita palang... Nahulog na ang loob ko sa kanya..."Sabi niya...

"Sino naman ito Ginoo?"

"Malalaman mo rin kung sino siya... Ngunit hindi pa ngayon Binibini..."

"Ok-- Ah Sure-- ESTE!! Sige..." Sabi ko at napangiti nalang siya sakin... Napangiti din ako... Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumagal ang buong paligid at siya lang ang nakikita ko... At naririnig ko ang puso ko na tumitibok ng malakas... PERO!!! Hindi to pwede!! Hindi ako maaring umibig...

******

Short update ulit!! Sorry guys!! Please forgive me!! Wala kasi akong inspiration ngayon ehhh!! Sorry talaga!! Pero I certainly promise na yung next chapter superr haba (well I will try)

Vote for the chapter so that I can try to do longer chapters...

Comment your ideas/thoughts/suggestions for this story...

Follow me if you want to...

-MYCAsophie13

😂😂😂

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now