Chapter 41 • My last few days...

1.3K 47 0
                                    


Photo made by me

Photo Quote:

I will treasure every single second that passes...

Because in every single second that passes...

Our time gets shorter...

******

December 23 1892

Alexandria's POV

2 more days...

Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o malulungkot...

"Alexia... Tandaan mo. Eksaktong 4:00 pm sa December 25 1892 mawawala ka na dito. Clear?" Bilin sa akin ni Crystal.

"Clear..."

"Spend your time with him! *wink*" sabi ni Crystal. Tapos bumaba na.

12nn na kaya! Andaming time skips ng storyang to noh?

Bumaba na ako sa may sala at nakita ko siya doon...

"Tara Binibining Alexandra... May pupuntahan tayo..." Sabi ni Lazaro.

"At saan naman yun Ginoong Lazaro?" Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya at hinawakan ang kamay ko.

"Basta Binibini... Tara na... Ako'y nagpaalam nasa iyong mga magulang..." Sabi niya hawak pa rin ang kamay ko.

"Sige. Tara!" Sabi ko at tumingin kay Crystal at minouth ko ang "bye"

Kaya ayun magkahawak kamay kami na nagpunta sa karwahe.

Tabi din kami sa upuan at yung itsura namin parang couple talaga!

Yiee! Kinikilig ako!!

Nakaakbay yung right arm niyasa akin at nakasandal ako sa dibdib niya.

Sana ganito nalang tayo habang buhay...

Akala ko sa hardin ng rosas ulit kami pupunta pero, sa Mt. Arayat pala!

WAHH! Hindi ako marunong mag mount climbing!

Char!

Pero infairness ngayon palang ako nakakpunta sa Mt. Arayat.

Malapit lang to sa hacienda namin kaya saglit lang ang byahe.

"Teka. Aakyat tayo ng bundok?" Hinawakan niya yung kamay ko at tumawa.

"Hindi tayo aakyat... Sa baba lang tayo..." Sabi niya.

"Ahh sige..."

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papunta sa isang kubo.

At pagpasok namin. Wow! Just wow! Speechless.

"L-Lazaro... Ano to?"

"Dito natin sasabihin ang mga pangako natin sa isa't isa..." Sabi niya. At nga pala dala ko yung letter. Ibibigay ko sa kanya yun ngayon.

"Bakit? Ikakasal naman tayo ah..." Sabi ko kahit alam kong hindi matutuloy yun.

"Dahil hindi na ako makapaghintay sa araw na yun... Para rin sigurado ako na akin ka na at sayo na ako..." Sabi niya at napangiti ako.

"Sus! Ang sweet mo!"

"Ano yun Binibini?!" Nagtataka niyang tanong. AY SHEMS!

"Ah Wala Wala! Kalimutan mi na yung sinabi ko. Hehe!"

An I LOVE YOU from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon