~Chapter 11 ♥ Ang Plano~

2.4K 77 16
                                    

Photo made by me.

P.S. Sorry for because I forgot the "I" in "Everything".

Photo Quote:

It hurts me to bring you together... But it is the only way to make everything better...

******

|Chapter Eleven Ang Plano|


Alexandria's POV

"Binibining Alexandra mayroon po kayong Bisita..." Sabi ni Teresa.

"Huh?! Sino?"

"Si Ginoong Lazaro po..." Sabi niya. May naramdaman akong kakaibang kaba dahil sa sinabi niya. Teka hindi ba dapat matuwa ako kasi may chance akong gawin yung second mission ko? Tama!! #StayPositive!!!

"Ah okay... Pakisabi pababa na ako..."

"Sige po Binibini..." Sabi niya tapos umalis na siya. Pumasok naman si Crystal at sinara yung pinto.

"Anong plano mo?" Tanong niya.

"Susubukan ko na sabihin sa kanya na kailangan si Lyn pa rin yung mahalin niya kasi malapit na akong... Teka kailangan ba ako makakauwi sa totoo kong panahon?"

"Dahil unti-unti mo ng natatapos ang misyon mo, makakauwi ka na ng Disyembre 25... At kailangan matapos mo ang misyon mo bago yun..." Sabi niya.

"Paano kung hindi?"

"Tsaka ko na yun sasabihin..." Sabi niya pa.

"Okay... Basta ayun tamang tama hindi ako aabot sa kasal namin!!"

"Sige na bilisan mo bumaba, hinihintay ka na niya... Make every second worth it!" Bilin pa ni Crystal.

"Opo ate Kristal" sabi ko in a sarcastic way.

"Hay nako..." Inis niyang sabi. Tumawa nalang ako. Sinara niya yung pinto at nag handa na ako.

••••••

Habang bumababa ako sa hagdanan nakikita ko ang kanyang titig sa akin.. Para bang ako'y matutunaw na... Bumabagal ang aking mundo... Siya lamang ang malinaw sa paningin ko... Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito... May kaba't kasiyahan sa puso ko... Ang weird ng feeling na tohh!!

Lazaro:

Habang siya'y naglalakad... Bumibilis ang tibok ng aking puso... Kaba't kasiyahan ay nagiisa, sa bawat sandaling ika'y kasama... Sa iyong bawat hakbang ang mundo'y tumitigil... Para bang ikaw lang at ako ang nasa silid... And iyong ganda ang nakikita... At hindi mapigilang ika'y titigan...

...

"Magandang umaga sayo Binibini..." Sabi sakin ni Lazaro. Kinaha niya yung kamay ko tapos hinalikan niya yun... Hindi ko alam kung bakit pero alam kong namumula ako ngayon!! Siete!!! Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito!!! Wah!!!! Bakit ako namumula!!!! Crush lang! Crush lang! Inhale... Exhale... Woo!! Kaya ko to!! Go Alexia!!!

"Magandang umaga din sayo Ginoo..." Sabi ko... At nagkatitigan nanaman kami... Hindi ko napansin kung ilang segundo yun pero ang alam ko nakahawak parin siya sa kamay ko... Bakit ganito ang nararamdaman ko... May parang kung ano sa tiyan ko... At ang bilis ng tibok ng puso ko...

"Ehem! Ilang oras ba kayo mag gaganyan!! Hindi ba kayo nangangalay?!" Bigla siyang napabitaw sa kamay ko at napaiwas kami ng tingin sa isa't isa pagkasabi nun ni Crystal...

An I LOVE YOU from the PastWhere stories live. Discover now