Chapter Thirty Three

3.6K 100 8
                                    

Update 😏 Naloloka ako sa mga sinusulat ko. Hahaha! 

-

Will you follow your mind or your heart?

-

Frances POV

Nakaupo ako sa kama at tinitigan ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko. Namumula parin ang mga pisngi ko sa nangyare kanina.

"Tss. Ang harot harot mo talaga Frances!!!" Sabi ko sa sarili ko ng nakaturo sa salamin.

Nakakainis muhka na nga akong baliw kakapagalit sa sarili ko dahil nahihiya ako sa kaharutan ko. Bakit ko pa ba kasi yun ginawa. Napahiga nalang ako ulet sa kama. Di pa man din ako nakakabihis. Baka mamaya madatnan pa ko ng ganito.

Bumangon ako at maingat na lumakad. Makirot parin kasi at mejo ramdam ko parin na ngalay ako. Mahirap na baka mamaya mag give in nanaman ang tuhod ko at mag plant first ang muhka ko sa marmol.

Kumukuha ako ng damit sa walk in closet ko ng pagalis ko ng twalya ay napasigaw ako. Damn her!!!

Alex POV

May narinig akong sigaw kaya napakunot ang noo ko. Di kaya? Mabilisan akong pumunta papunta sa kwarto ni Samantha. Nagkamali pa ko ng unang beses ko itype ang pin. Hingal na hingal ako ng makita kong inaabangan na niya ko pag taas ko. Naka underwear lang siya kaya napalunok nalang ako.

"Baby--"

"Ano eto Alex?!" Turo niya sa dibdib niya. Bakit niya pa tinuturo? Is she trying to seduce me again cause it's working..

"Dibdib." I smiled devishly.

"Really now?" Sabi niya at pumunta siya sa may full length mirror. "You put love bites all over my breasts and there's also some on my neck!"

"Oh that." Love bites lang naman pala.

"Yes that. Nakakainis ka!" Singhal niya sakin at pumasok siya sa walk in closet niya. Sinundan ko naman siya dun.

"How am I supposed to cover all of this?" Sabi niya at naghanap sa mga damit niya.

"Wear a T-shirt." Sabi ko at tinitigan naman niya ko saglit bago nagpatuloy maghanap.

"Turtle neck?" I asked.

Tinitigan nanaman niya ko at sumimangot. Pasimple naman akong nagpacute sakanya. Nilabas ko din ang dimple ko lalo nung ngumiti ako.

"Nako tigilan mo ko Alex ah. Dimo ko madadala diyan sa dimples mo!" Sabi niya ng naiinis. Napapout tuloy ako.

"Sorry na babe, para lang naman alam nila na akin ka." Sabi ko sakanya at niyakap siya pero pumiglas naman.

"Sorry ka diyan. Nagbigay ka ng hickeys. At sino naman titingin sakin dun aber?!"

"Ikaw nga kinalmot ako eh! Ang hapdi kaya. Para kang pusa."

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin na ng husto sakin. Bingo. Di na siya naiinis. Ngayon muhka na siyang gulat.

"Kalmot?"

"Yep. Tingnan mo." Sabi ko at tumalikod sabay itinaas ko ang shirt ko sa likod para makita niya. Naramdaman ko naman na hinaplos niya to ng dahan dahan.

"Sorry."

"It's okay." Sabi ko at humarap ulet sakanya. "Atleast alam kong nasarapan ka. Hahaha!" Asar ko at kitang kita ko ang pamumula niya.

"Walanghiya ka talaga Alex!" Sabi niya at parang nag pretend pa na Inis pa siya sakin pero namumula naman ang baby ko.

"But you know just wear a turtle neck."

"You do know na naka house arrest ako. Why would I wear a turtle neck sa bahay?"

"Tell them you're cold."

"Ang inet inet kaya sa Pilipinas." Aba'y inirapan pa ko.

"May air-conditioning naman ah." Pagdadahilan ko nalang.

"Che, dun ka nga muna."

"Fine. Hihintayin kita sa kama." Sabi ko at binagsak nalang ang sarili ko sa kama.

Maya maya may narinig akong katok at kasabay nun ang pag bukas ng pinto. Agad agad naman akong nagtalukbong gamit ang comforter. Naramdaman ko naman na lumubog ang isang bahagi ng kama.

"Sam. Are you still asleep?" Shet. Kaboses to ng kuya ni Samantha. Si kuya Max. Sana lang di lumabas si Samantha sa walk in closet niya kundi lagot kami.

"Narinig kitang sumigaw kanina. I know you're awake."

"Don't be stubborn. Di mo man lang ba namiss ang kuya mo?"

Fuck. Ano ba gagawin ko para umalis siya. Panigurado pag narinig niya boses ko di to maniniwala na ako si Samantha. Bahala na nga. Magsasalita ako ng biglang narinig ko ang boses ni Samantha.

"Kainis. Ang inet-- Kuya?!"

"Sam."

"Kelan ka pa bumalik?" Sabi ni Samantha halatang nagstastall siya.

"Kung galing ka diyan sa walk in closet, sino tong nasa kama mo?"

"Uhm.."

Naramdaman ko nalang na inalis ang comforter sakin at pagkita ko ay nakatitig sakin ng maiigi si Kuya Max. He didn't even look surprised.

"Alex."

"Uhm hi?"

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon