Chapter One

19.7K 286 6
                                    

"When you look me in the eyes, I catch a glimpse of heaven."

-

Frances POV

"Frances! Asan ka na sis? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa Caecilia!" sabi sakin ni Jess.

"Huh? Diba mamayang 2 pm pa yan?"

"Sis tumingin ka sa orasan mo, magtatampo talaga ako pag nalate ka pa lalo. Birthday ko pa naman."

Pagtingin ko sa relo ko 2:37 na. Shit. Diko napansin ang oras.

"Bespreen! Sorry diko napansin ang oras! Di bale papunta na ko diyan!" Sabi ko at nagmadali na papunta sa Shakeys.

Ako nga pala si Frances Samantha Garcia. Birthday ngayon ng bestfriend ko na si Jessica Ramos. Kakatapos ko lang bumili ng regalo niya at hindi napansin ang oras kaya nalate ako sa pagpunta. Palabas palang ako ng SM Store ng may bumangga sakin bigla.

"Miss okay ka lang?" Sabi ng isang boses. Eto siguro yung nakabangga sakin. Naiinis ako kaya diko siya tinignan at sinubukang tumayo. To my dismay may masakit sa may paa ko. Nasprain ko pa ata.

"Muhkang nasprain mo ang ankle mo." sabi niya habang tinitignan niya yung paa ko.

"Sino ba kasi ang may kasalanan kung bakit nasprain ko ang ankle ko." Pagsusungit ko sakanya. Lumingon siya sakin at tumingin sa mga mata ko.

"I'm sorry. Nagmamadali kasi ako. I didn't mean to bump into you." sabi niya. Halatang sincere ang pagkakasabi niya.

Pero di ko pinansin ang sinabi niya dahil nadidistract ako sa mga mata niya. Light brown ang mata niya at mahaba ang lashes. Ang ganda ng mata niya.

"Hey miss are you there?" Sabi niya ng nakangiti. Lumalabas ang dimple niya. Shet. Weakness ko yan. Ano ba tong nangayayare sakin.

"I'm F - fine." Naramdaman kong namumula na ko. Frances naman kasi bakit ka natulala sakanya. Baka nahalata niya pa.

Tinignan ko ulet siya and for the first time ay nakita ko na babae pala ito. Sa sobrang distracting ng mata niya diko napansin na babae siya. Kaloka ka talaga Frances. Matangkad siya siguro mga 5'9 at maputi siya. Naka pony ang mahaba niyang buhok na kulay black. Naka jeans lang siya at tshirt pero muhka siyang model. Sobrang ganda niya.

Hindi ko narinig ang mga sinasabi niya dahil busy ako na pagmasdan siya kaya naman nagulat ako ng bigla niya kong buhatin.

"Teka! Bakit mo ko binuhat? San mo ko dadalhin? Ibaba mo ko." Sabi ko sakanya na nahihiya. Madami kasing nakatingin samin. Tska kaya niya ba ko? Nakita ko bitbit niya din ang bag ko at pinamili ko habang buhat buhat niya ko. Tinignan niya ko at ngumiti.

"I said dadalhin kita sa hospital. Baka kasi lumala pa yung sprain mo."

"Ha? Hindi na okay lang to. Sprain lang naman to miss." Lagot talaga ako kay sis nito. Pero ang lapit niya at amoy ko siya. Mabango and I can't deny na kinikilig ako ngayon. Sino ba namang hindi? Eh ang ganda ganda ng nagbubuhat sakin.

"I insist. Ako din naman ang may dahilan kung bakit ka nagkasprain at ayokong lumala pa yan. And my name's Alex. What's yours?"

"Frances. Call me Frances."

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon