Chapter Twenty Four

4.1K 112 4
                                    

Thanks for the votes, reads, comments for my stories. Love you guys 😘

Here's another update!
Di agad nakapag update dahil nawala yung sinulat ko. Sinulat ko nalang ulet in a similar way na natandaan ko 😊 Happy reading!

-

The past should stay in the past.

-

Alex POV

Naitulak ko naman agad si Charm. Napasmirk naman siya at pumasok sa loob. Napa kamot nalang ako sa ulo.

Nakita naman siya ni Micah kaya pinuntahan siya nito at naka wag ang buntot nito. Binigyan ko ng tingin si Micah. Traitor!

"Nothing's change much ha." Sabi niya at kinarga si Micah.

"Namiss mo ba ko Micah? Namiss din kita."

"Ehem. Sorry to ruin the reunion but can you go?"

Napasimangot naman siya sakin at nilapag si Micah sa floor. Lumapit siya at ako naman umatras.

"I still love you Alex." Sabi niya na akmang hahawakan ang kamay ko pero mas lalo lang ako lumayo sakanya.

"Tapos na tayo Charm."

"Alam ko. Ako naman ang may kasalanan kung bakit tayo nag hiwalay."

Tinignan ko lang siya at di nagsalita. Yes. Siya ang may kasalanan. Iniwan lang naman niya ko dito sa Pilipinas. Nakipag break siya sakin dahil di daw niya kaya ang long distance tapos ngayon babalik siya? When I'm finally happy? No. Andami ko pinagdaanan pero ang inaasahan kong makakasama ko ay iniwan ako.

"I want you back Alex."

"I'm sorry. Pero hindi na pwede."

"Why not?"

"May mahal na ko."

"That's not true! Di ako naniniwala!"

"Bakit mahirap ba isipin na nag mahal ulet ako Charm? Na kaya ko na wala ka?"

"No! Dapat ako lang ang mamahalin mo!" At pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ulet ako.

Sinandal niya ko sa pader. Sinusubukan ko naman siya pigilan pero ayaw niya magpaawat. So I just stand there. Nagulat nalang ako ng mag narinig akong nabasag.

Pag tingin ko...





Laking gulat ko...







Nabasag ang vase ni mama, pero mas natakot ako nung nakita ko si...





Si...






Samantha!

Di agad ako nakakilos dahil ang itsura ng mahal ko ay well.. she's not happy. At muhka siyang papatay.

"Get your dirty hands off my girlfriend."

Nakita ko namang napa taas ang kilay ni Charm. Maya maya lumayo siya sakin at lumapit kay Frances.

"Girlfriend? Sa pagkakatanda ko ay hindi napatol si Alex sa muhkang hayop."

"Kaya nga break na kayo diba? Kasi hayop ka?"

"What!" Bulalas ni Charm. Parang di Ito makapaniwala sa sinabi ni Frances. Ako naman mejo natatawa na. Sinamaan naman ako ng tingin ni Frances pero pumunta siya at tumabi sakin.

"Chill. My mother told me not to hurt animals." Sabi niya tapos nag smirk pa.

"Why you, you bitch!" Akmang sasampalin siya ni Charm kaya naman agad agad kong hinawakan ang braso niya.

"I'm not a dog." Sabi naman ni Frances in a singsong voice. Muhkang pinipikon ata ni Frances si Charm. Pikonin pa man din yun.

Nakasimangot na si Charm at parehas silang nagkakatinginan ng masama. Binitawan ko naman na ang braso ni Charm after a few moments. But that was a big mistake. All hell broke loose. Nag kasabunutan sila. Kani kanina lang ay nagtitinginan lang sila.

Diko alam ang gagawin ko. Sinusubukan ko naman sila awatin pero mas lalo lang ata sila nagkaaway. Maya maya nahila ko si Charm pero na out of balance ako. And nag landing lang naman siya sakin.

"What is going on here?!"

I know that voice... si Lala!!

Patay! Napa face palm nalang ako sa isip ko at nanigas. Parehas kaming di makakilos ni Charm. Tumikhim si Lala kaya naman inayos agad namin ang sarili namin. Nilayo ko naman ang sarili ko sakanya.

"So I was around the neighborhood. Sabi ni Art nandito ka daw sa bahay." Sabi ni Lala. "Di ko naman alam na may kasama ka dito." Tingin niya naman kay Charm pati kay Frances.

Charm and Lala never met pero kilala ni Lala si Charm dahil kinukwento ko siya dati. Gusto naman niya si Charm dati. Pero ayaw na niya sakanya dahil nga sinaktan lang ako. On the other hand. Di pala alam ni Lala na kami na ni Sam ko.

"Uhm. Lala. Hi."

"At bakit basag ang vase na to?" Sabi niya pa at tinuro turo ang nagkalat na pieces.

"Ako po may kasalanan..." sabi ni Samantha. Napatingin naman sakanya si Lala at lumapit.

"My goodness iha. Bakit ganyan ang itsura mo?"

Namula naman si Frances at napayuko. Pigil tawa naman si Charm sa narinig niya. Ako naman well I don't know what to say.

"Don't misunderstand iha pero are you okay?" Sabi ni Lala habang itinaas niya ang muhka nito.

Napatingin naman si Frances kay Lala na parang bata. Napangiti naman eto ilang saglit kaya ngumiti din sakanya si Lala.

"Okay lang po ako. Nahihiya lang po ako kasi nakabasag po ako. Don't worry po lilinisin ko yan ngayon din!"

"Okay then. And you what are you doing here?" Sabi niya kay Charm.

"Po?" Muhka namang nagulat si Charm sa tanong ni Lala.. Di niya kasi alam na kilala siya nito.

"You're not welcome in this household."

"But."

"Don't make me mad Ms. Lavinia. Get out!" At tinuro ni Lala ang pinto.

Muhka namang napahiya si Charm kaya naman mabilis siya umalis. At ako napako lang sa place ko dahil dalawang disapproving looks ang nakatingin sakin.

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon