Chapter Two

12.1K 261 2
                                    

What really matters is what's happening now.

-

Frances POV

Saglit lang kami sa hospital ni Alex at nasa kotse na kami ngayon pabalik ng Mall. May kausap siya sa phone niya kanina pa at muhkang nag aaway sila. Tahimik nalang ako at prinetend na diko naririnig ang pagaaway nila sa phone.

"-- Fine, I'll call you later. Bye." sabi niya at enend agad ang call. Halata sakanya na inis na inis siya. Napatingin naman siya sakin at biglang napangiti bago tumingin ulet sa kalsada.

"Sorry about that. Nagtatantrums kasi ang kuya ko. Siguro nabingi ka kanina sakin."

"Hindi naman, gets kita. Ganyan naman lahat ng makakapatid, grabe magaway. Hahaha."

"Ganun ba, may kapatid ka?"

"Meron. May kuya ako."

"Ah." sabi nalang niya at naging tahimik ang biyahe namin.

Nagpark na kami sa Mall at nung tatanggalin ko na ang seatbelt ko.. Di siya matanggal. Ano ba yan. Bakit ba ang malas malas ko.

"Oh bakit di ka pa nababa diyan? Gusto mo pa ba akong kasama?" sabi sakin ni Alex na may nakakalokong ngiti.

"Etong seatbelt mo ayaw na yata akong paalisin!" Nakakainis kahit naka ilang pindot na ko ayaw parin.

Bigla siyang lumapit sakin at napapikit ako. Ano ba tong si Alex. Ano ba gusto niya at lumapit pa siya sakin. Naririnig ko na ang puso ko sa kaba. Kalma Frances. Kumalma ka!

May narinig akong click at naramdaman ko na naalis na seatbelt ko. Nagmulat ako ng mata. Si Alex ang lapit ng muhka niya! Nakatingin pa siya sakin. Namula tuloy ako sa hiya. Baka kung ano pa inisip niya kasi pumikit ako eh aalsin lang pala niya ang seatbelt pero.. teka lang.. Bakit pa siya nakatingin sakin? At ang lapit lapit niya! Naamoy ko tuloy siya at ang bango niya.

Magsasalita na sana ako ng bigla siya lumayo at tumawa. Tawa siya ng tawa. Ano bang nakakatawa?

"Your face is so red! Just like a tomato!" Patawa tawa niyang sabi sakin habang ako mas lalong namula. Pero dahil na sa inis. Sa sobrang inis ko pinagpapalo ko siya.

"Nakakainis ka Alex! Tinawanan mo pa ko!"

"Aray arayy!!"

Patapos ko siyang paluin lumabas agad ako ng kotse at nagsimula pumasok agad sa mall. Kainis. Tawanan ba daw ako.

"Hey wait! Frances!" rinig kong sabi niya. Bahala siya diyan. Late na nga ko eh. Lagot talaga ako kay Jess. 3:18 na. Pagtingin ko naman sa phone, as expected madami na siyang miss calls and text. Tinawagan ko muna siya.

"Frances Samantha Garcia asan ka na?!" sigaw niya sa phone.

"Calm down! Sorry bes mejo nagkaproblema, pero papunta na ko."

"You better be. Ciao!" At enend na niya ang call.

Nasa tapat na ko ng Caecilia ng may biglang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko.. si John. Ang Ex ko.

Tinanggal ko ang pagkahawak niya at tumalikod ulet. Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Frances. Magusap tayo."

"Bitawan mo ko. Wala na tayo dapat pagusapan." Sabi ko sakanya ng puno ng galit at hinila ko ang kamay ko ulet. Wala na kami dapat pagusapan. He cheated on me and that's final. Masakit isipin na sa pinsan ko pa siya pumatol. Masakit isipin na nahuli ko sila sa ginagawa nila. Kahit na 4 months ago pa yun. Hindi ko siya mapapatawad.

"Let go of me!"

"No. Magusap muna tayo please. I want you back." At bigla niya ko niyakap.

"Let go!" Pinatitinginan na kami ng mga tao dahil sinisigawan ko na siya at pinagtutulakan pero ayaw niya parin akong tigilan.

Nagulat nalang ako ng may humablot sa sakanya at hinila siya paalis sakin sabay sinuntok si John.

"The girl said to let go of her. Respect that."

Pagtingin ko si.. Alex?! Lumapit siya sakin at hinawi ang buhok ko.

"Are you okay? Hinaharass ka ba ng lalakeng to?" sabi niya.

Napailing nalang ako. Mejo shock kasi sinuntok niya si John.

"Stay away from Frances." Sabi ni Alex kay John na nakahawak sa ilong niya. Ang ilong niya dinudugo! Napagasp nalang ako sa nakita ko. Ganun kalakas sumuntok si Alex?

"You bastard! Sino ka ba?" Puno ng galit ang mga mata ni John. If looks could kill. Patay na siguro si Alex.

The next words I heard almost made my eyes popped out of its sockets.

"Me? I'm just her girlfriend."

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon