Chapter Three

10.1K 227 7
                                    

Love is like a butterfly. It's beautiful, fascinating and free. But when you look more closely, It's kinda scary looking.

-

Alex POV

"Me? I'm just her girlfriend." I said with a smirk at inakbayan si Frances. Diko alam ang dahilan bakit ko sinabi yun pero parang gusto kong inisin tong nasa harap ko ngayon. Sana nga lang di ako hampasin ni Frances.

Pinagtitinginan na kami dito ng tao pero wala akong pakielam. May iba nagbubulong bulungan.

"What the hell? Frances would never fall for a girl. She's not gay!" Sigaw ng lalake.

Sasagot pa sana ako pero naunahan ako ni Frances. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag mo na kaming guluhin John. I'm happy with Alex kahit babae siya." Pagkasabi niya nun ay hinila niya ko papasok ng Shakeys at iniwan yung John na nakanganga.

Nagstop siya bigla maglakad at tumingin sakin. Naiyak siya.

"I'm sorry. Nadamay ka pa ata sa gulo namin. Baka may gawin siya sayo. Madaming connection si John. Magiingat ka Alex." Silly Girl. Ako si Alex Benevotta. Walang magtatangka na lumaban sakin dahil sa pamilya ko.

"You don't have to worry about me. Madami din akong connections. Hahahaha. Wag ka na umiyak. Pumapanget ka." Sabi ko at pinunasan ang mga luha niya.

"This is not a laughing matter. Napaka malas ko ata ng araw na to. Ayoko mandamay ng iba."

"Don't worry about it. Sisiguraduhin ko na hindi ka na niya guguluhin."

Magsasalita pa sana siya pero may lumapit samin na babae. Blonde ang buhok niya. Mga 5'4 at maputi. Naka red dress eto at naka red heels.

"Bes! Bakit ngayon ka lang?" Sabi nito ng nakapamewang.

"Ah kasi..." Muhkang di alam ni Frances ang sasabihin niya. Kelangan ko na siguro sumingit.

"Sorry it's my fault. Nabangga ko si Frances at nagkasprain siya kaya kelangan ko pa siya dalhin sa ospital." sabi ko sa friend niya habang nakangiti.

Muhka namang nagulat ang friend niya sakin at ngayon lang napansin na may kasama si Frances. Ngumiti naman eto sakin.

"Ah okay lang. Ako nga pala si Jessica Ramos and you are?"

"Nice to meet you. I'm Alexandria Vivienne Fonseca Benevotta. Call me Alex nalang."

"Cool. Halika sumama ka na samin kumain. Birthday ko. My treat." At nilead niya kami sa isang table.

"Okay ka lang ba bes? Di naman masakit yang paa mo?" Sabi ni Jessica. Tinawanan naman siya ni Frances.

"Okay lang ako ikaw talaga."

Tatlong tao lang ang nasa table na nakain. Dalawang lalake at isang babae.

"Guys. This is Alex. Friend siya ni Frances."

"Hi I'm Mary." Sabi ng babae. Black ang mata nito at nakaombre ang buhok niya. Morena ito.

"Name's Kenneth." sabi ng lalake na mahaba ang buhok. Moreno din eto at black ang mata.

"I'm Wendell." Sabi nung isang lalake na maputi. Singkit eto at muhkang Chinese.

"Nice to meet you all." sabi ko at ngumiti sakanila.

Frances POV

Malapit na kong matapos kumain ng maramdaman kong may nakatitig sakin. Pag angat ko ng tingin. Nakita kong nakatingin sakin si Alex habang umiinom siya ng ice tea. Napalunok ako. Ano ba tong babaeng to. Grabe makatingin. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Jess.

"Bes. Muhkang interested siya sayo ah." Bulong sakin ni Jess.

"Ikaw talaga bes. Walang gusto yan sakin." Bulong ko sakanya pabalik.

"Whatever you say Frances. Pero kahit sino mapapansin na iba ang titig niya sayo."

Diko nalang siya pinansin at kumain ulet. Di naman siguro ako gusto nito ni Alex. Kakakilala lang niya sakin at sobrang ganda niya. Eh ako? Ordinaryo lang naman ako. Muhka akong yaya katabi niya. Wait. Bakit ko naman iniisip yun? Straight ako. Di naman siguro ako nalihis ng landas?

"Uy. kawawa naman yung spaghetti. Pinaglalaruan mo nalang. Onti nalang yan oh kainin mo na." sabi ni Jess.

Kinain ko nalang at naramdaman ko ulet na nakatingin sakin si Alex. Pagtingin ko sakanya. Kinindatan niya ko bigla at kumain siya. Habang ako mejo napanganga at namumula sa ginawa niya. Lord. Ano ba ang nangyayari sakin at grabe ang epekto ng babaeng to sakin?

"Girl. Itikom mo bibig mo obvious ka masyado. Hahahaha." bulong sakin ni Jess habang ngumigiti ng nakakaloko. Naguguluhan ako na tinignan siya.

"Obvious na ano?"

"Obvious na gusto mo din siya."

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon