Chapter Seven

7K 182 1
                                    

Keep smiling. It's contagious.

-

Alex POV

"Hello. My name is Alexandria Benevotta. Call me Alex." sabi ko sa klase ng nakangiti pero kay Frances lang ako nakatingin.

Gulat parin ang muhka niya. Parang di makapaniwala na nandito ako ngayon at naging kaklase niya. Ang cute nanaman niya tuloy. Ang sarap niya halikan! Oops. Wag ka maharot Alex. Ni hindi ka nga ata type niyan eh. Kung ano ano nanaman pinagiisip mo.

"Alright. You can seat beside Ms. Garcia." sabi ni sir at na pa yes naman ako sa utak ko! Swerte dahil makakatabi ko siya. Mas mapapadali na maging kaclose ko siya.

Natapos na ang klase ng wala akong naintindihan. Pero okay lang. Busy kasi ako kakatitig kay Frances. Habang ang iba nakikinig sa sinasabi ni sir, ako tulala lang sakanya.

Busy parin akong nakatitig sakanya ng bigla siya lumingon sakin. Napataas ang isa niyang kilay na parang nagsasabi 'Bakit mo ko tinitignan?' May sasabihin sana siya ng biglang may pumagitna samin.

"Uy Alex. Napalipat ka ng school?" sabi ni Jessica sakin. Andito din pala siya.

"Ah oo. Nilipat ako dito kasi mas malapit sa amin and maganda yung alok nila sakin na mag varsity sa volleyball." sabi ko sakanila habang nakangiti.

Ang totoo niyan pinilit ko lang sina Mom na ilipat ako dito. Gusto ko kasi maging kaclose si Frances. Pero nag try out naman din ako sa volleyball at pumasa ako dahil di naman sa nagmamalaki ako pero magaling talaga ako.

"Ah ganun. Small world naman pala. Na sa lahat lahat ng school ay dito ka pa namin sa school napadpad at kacourse mo pa kami." sabi niya sabay tingin kay Frances habang nakangiti nanaman ng nakakaloko.

"Yun nga eh. Hahaha. Pero fine arts ako dati nagshift ako ng multimedia dahil sa film and photography."

"Ah kaya pala. Atleast kilala mo na kami. Diba Sis?" sabi niya sabay akbay kay Frances na kanina pa di nagsasalita. Nakatingin lang siya samin. Diko tuloy alam kung nashock siya o wala lang masabi.

"Huy. Frances kanina ka pa nakatulala diyan. Natulala ka ba sa kagandahan ko?" asar ko sakanya sabay smirk. At biglang nagbago anyo niya. From clueless naging confident ang muhka niya. Nagulat nalang ako ng hampasin niya ko sa likod.

"Aray naman Frances! Bakit mo naman ako hinampas? Nagjojoke lang naman ako." Oo hinampas niya lang naman ako. Pero tae ang sakit! Ang bigat ng kamay niya.

"Masyado ka kasi mahangin. Hahaha! Yan ang dapat sayo."

"Grabe naman. Pero ang lakas naman ng hampas mo masyado sakin. Kung hindi ka nakangiti ngayon, inisip ko na siguro na galit ka." sabi ko habang hinihimas ang likod ko kung san niya ko hinampas.

"Well you're not the only one in the volleyball team. See you at practice!" Sabi niya habang nakasmirk at hinila si Jessica palabas. Naiwan ako dun nakatulala. Did she just say na nasa volleyball team din siya?

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon