Chapter Thirteen

5.4K 149 0
                                    

"You and I, we don't need to be like them."

-

Alex POV

Hahalikan ko na sana si Frances ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Anak ng. Napabitaw tuloy ako at inis na binuksan ang bintana. Sino pa ba ang kakatok kundi ang kuya ko?

"Hey." Sabi niya ng nakangiti ng nakakaloko. Halatang pinipigilan niya ang sarili niya na hindi tumawa.

"Anong hey diyan?" taray ko sakanya. Naman kasi eh! Ayun na eh! Naudlot pa.

"Chill. Just came to tell you na I'm going to New York." Nagulat naman ako. Bakit kaya naman to pupuntang New York?

"When?"

"Tomorrow na flight ko. Kakatawag lang sakin nina mom kanina na kelangan ko pumunta sakanila."

"Bakit?"

"Di nila sinabi. Basta importante daw."

"Ganun." Nalungkot naman ako. Di naman first time umalis si kuya. Siya kasi ang magiging successor ng business namin. Pero syempre nakakalungkot. Magiging mag isa nanaman ako.

"Oo. Tara labas na kayo diyan. Ipakilala mo naman sakin ang girlfriend mo." ngiti ng loko.

"Baliw. Di ko pa siya girlfriend." sabi ko at napataas naman ang kilay ni kuya.

Tinignan ko si Samantha at napansin kong umiling iling siya. Ano naman kaya iniisip nito?

"Uy Samantha. Tara labas na tayo. Papakilala kita kay kuya." sabi ko at tumango naman siya. Lumabas na siya kaya lumabas na din ako.

"Hi. Ako nga pala ang kuya nitong bruhildang to. I'm Zeus." Ngiti ni kuya kay Frances at nakalahad ang kamay. Tinanggap naman nito ni Sam.

"Hi po. Frances po." sabi ni Samantha. Aba naman namumula pa siya. Wag mo ibig sabihin eh naattract siya kay kuya. Hiniwalay ko nga ang kamay nila. Baka mainlove pa si Frances sakanya. Tinaas naman ni kuya ang kamay niya at tumawa. Habang si Frances tinaasan ako ng kilay.

"Sige sige mauuna na ko. May kelangan pa ko bilhin." Sabi ni kuya at hinug muna ako.

"Pakabait ka Viv ah. Wag kang loko loko. Baka kung ano gawin mo kay Frances." Nagulat naman si Frances kaya binatukan ko si kuya.

"Alis na nga! Chupi chupi!" At tinawanan lang ako ng loko. Aba talaga. Umalis na si kuya kaya naman hinarap ko si Frances. Namumula parin siya. Nakatingin siya sa paa niya. Nilapitan ko siya at tumungo para mag ka eye level kami.

"Anong iniisip mo?" sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sa mga mata ko at muhkang nagulat pa. Mas lalo siyang namula. Aww cute. Napangiti naman ako. Ganyan ba talaga ang epekto ko sayo Frances?

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon