Chapter Fourteen

5.9K 164 0
                                    

Seven billion smiles, and yours is my favorite.

-

Frances POV

Nakatingin lang ako sa paa ko. Ang green green na kasi ng isip ko nung sinabi ng kuya ni Alex na baka may gawin siya sakin. Imagination ko tuloy nagwork. Napapikit naman ako. Wag kang ganyan Frances, nagjojoke lang yung tao.

Naramdaman ko naman na may nakatingin sakin kay minulat ko mga mata ko at tumingin sa harap. Nagulat ako sa nakita ko, mga mata ni Alex. Tapos si Alex kasi ang lapit ng muhka niya sakin. Ramdam ko tuloy mas namula ako.

Ngumiti siya bigla. Shet ayan nanaman yung pamatay niyang ngiti. Yung may dimples. At dahil diko alam ang sasabihin ko. Tumalikod nalang ako. Nahihiya kasi ako. Eto naman kasing babaeng to kung makatitig lagi at ang lapit niya lagi.

Yung puso ko tuloy nagtatalon na. Mag hunos dili ka Frances. Grabe na talaga epekto sayo ni Alex my loves. What? Anong may loves diyan? Kalandian ko. Napailing nalang ako.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at pinaharap ako. Si Alex nakangiti parin siya sakin. Ano ba to?

Alex POV

Hahaha. Ang cute cute niya talaga. Hinawakan ko ang kamay niya at hinarap siya ulet sakin. Ayoko kasi na nakatalikod siya diko alam itsura niya o kaya iniisip niya. Nakangiti parin ako ng abot tenga at siya naman namumula parin.

Hinila ko nalang siya papuntang garden. Di nalang ako nagsalita. Di din siya nagsalita. Magkahawak parin ang kamay namin ng makarating kami dun. Paglingon ko sakanya. Nakangiti siya. Patingin tingin sa mga bulaklak. I knew she would like it here.

"Ang handa naman ng garden niyo." sabi niya na muhkang amaze na amaze.

"Thanks. Kami ni kuya ang nagtanim niyan nung mga bata palang kami." Napatingin naman siya sakin nung sinabi ko yun.

"Weh? Lahat ng ito kay nagtanim?"

"Oo. Ako kasi nag suggest na gusto ko ako gumawa ng garden pagkalipat namin dito galing America."

"Ah ganun ba. Galing din pala kayong America?"

"Oo. Kayo din galing dun?"

"Oo dun ako pinanganak. Bumalik kami ng Pilipinas nung 6 year old na ko."

"Ah."

Dinala ko naman siya dun sa hinanda kong suprise sakanya. Nakalatag dun sa gitna malapit sa coy pond namin ang blanket at pinic basket.

"Magpipicnic tayo?"

"Oo. Tara."

Umupo naman kami. Akmang kukuhanin niya yung basket ng mapatingin siya sa kamay namin. Magkaholding hands parin kami at namula siya.

"O bat namumula ka nanaman diyan?" tanong ko. Tumingin naman siya sakin. At... Hinampas niya lang naman ako. Ulet.

"Aray. Nakakailan ka na ah."

"Ikaw kasi eh!" Namumula parin siya. Binawi na niya yung kamay niya at nag cross arms. Nakasimangot siya.

Binuksan ko nalang ang basket at nilabas ang mga laman nito. Napansin ko naman na patingin tingin siya. Kaya naman nginitian ko nalang siya. At inirapan lang naman niya ko pabalik. Napaka bipolar naman niya. Hahaha.

"O eto. Tikman mo. Para naman di ka nakasimangot diyan. Masarap yan at gawa ko yan."

Tinanggap naman niya ito at pagkakagat niya sa clubhouse na ginawa ko. Bigla niyang inubos to. Sa muhka niya palang alam ko na nasarapan siya. Napansin ko na may mayo na naiwan sa gilid ng labi niya kaya naman kumuha ako ng tissue at pinunasan yon.

Frances POV

Nagulat naman ako ng bigla ako lapitan nanaman ni Alex. Ang lapit lapit niya at nalalanghap ko na ang perfume niya. Pinupunasan niya lang pala ang labi ko. Tumitibok nanaman ang puso ko ng sobra.

Napatigil siya bigla at tumingin lang sa labi ko. Diko napigilan ang sarili ko. Diko alam kung ano tumulak sakin at ginawa ko yun. The next thing I know. Magkalapat na ang labi namin.

-

AN: Finally natuloy din ang kiss nila! Let me know what you guys think about it. Was this story so far so good?

News! I have a new story. It's about Zeus. Yung kuya ni Alex. Check it out! Just go to my profile and you'll see it on my works! It's "Marrying Mr. Benevotta."

Till the next update! ;)

Benevotta's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon