At kagaya ng inaasahan ko mabilis siyang mag-reply. Wala bang pasok ang lokong 'to? 

From : A 

Silantro Fil-Mex


To : A

Okay :)


Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase at nagsimulang maglabasan ang aking mga kaklase. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay siniko ako ni Alexavia.

"Hoy! Anong ningingiti-ngiti mo dyan?" 

"Ha? Hindi naman ako nakangite" pero parang automatic at napangite ako mismo sa mga sinabi ko. 

"Baliw! Ayan oh nakangite ka. Habang pumipindot pindot ka dyan sa cellphone mo nakangite ka na. Habang nag-aayos ka ng gamit mo nakangite ka. Sige maglokohan pa tayo, Skyla" 

Natawa ako kay Alexavia kahit kailan talaga wala akong matatago sa kanya. "Wala naman. Bakit bawal ba ngumite?" 

"Alam mo pag ang isang tao ay ngumingite o kaya tumatawa mag-isa it is either may naalala siyang nakakatuwa, may text na nabasa o kaya high dulot ng pinagbabawal na gamot. So alin ka dun? Ayusin mo sagot mo ah!" mas lalo akong natawa sa mga sinabi niya. Alexavia and her way of words. 

"A, invited me for lunch" I say at hindi ko mapigilang ngumite. 

"Ayun naman pala. A, invited you for lunch pero sa totoo lang ang arte lang ng tawag mo sa kanya bakit A? Ano yun super short for Anthony?

"Bulol kasi ako noong mga bata pa kami hindi ko ma-pronounce ng maayos yung name niya kaya ayun A nalang" 

Ngumite ng mapang-asar si Alexavia sa akin. "Sus. Dyan nagsisimula lahat" 

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, Alexavia. Ikaw talaga"  

"Ganyan tayo eh" tinawanan ko nalang siya at kinuha ang bag ko, sabay kaming lumabas building at pumunta ng parking lot. 

"Gusto mo sumama? I'll text him"  

"Naku, wag na. Maging third wheel pa ako sa date nyo." 

"Hindi naman kasi date yun. Kakain lang kami ng lunch, yang mga iniisip mo talaga" 

"Ganoon na rin yun, no. Susunduin ka ba?" 

"Oo" 

"Naku talaga Skyla, yang mga ngite mong yan delikado yan eh" siraulo talaga 'tong babaeng 'to ang daming alam. 

"Alam mo gutom ka na mas mabuti pa kung kumain ka na baka malipasan ka pa dyan" pang-aasar ko sa kanya. At nakita ko na ang kotse ni A na palapit at hindi na maalis sa labi ko ang ngite. 

"Ikaw na talaga Skyla Raisse ang haba ng hair mo girl" sabay hampas sa braso ko ni Alexavia. 

Huminto sa tapat namin ang kotse ni A, agad siyang bumaba. 3 weeks ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ang tagal na at ganoon pa rin halatang stress siya sa work at school. 

Radiantly and perfectly, his skin glowed like the sun, and I couldn't help but stare at him and sometimes I still can't believe that this man who stood before me was a skinny little boy and who used to cry a lot. And we used to go to the nearest forest thinking that the spaceship of ET has landed. 

"Earth to Skyla" He chuckled while waving his right hand in front of my face. 

"Ganyan yan, Anthony. Madalas may sariling mundo." Natawa si A sa sinabi ni Alexavia and I glared at her, she just winked at me. 

"Kumain ka ba, Alex? You can join Skyla and me to lunch." 

"Naku hindi na. May kasabay na rin kasi ako. Ingat kayo. Iuwi mo agad yan, Anthony wag mong ililiko" nagulat ako sa sinabi ni Alexavia noong una ay hindi ko na gets pero nang naintindihan ko ay pinandilatan ko siya ng mata. Tinawanan lang ako ng loka loka. 

Natawa si Anthony sa mga sinabi ni Alexavia kaya kinurot ko siya. "Aray!" sabay hawak sa kamay ko. Ngumise sya sa akin at hindi ko mapigilang ngumite. 

"Buti naman at naalala mo pa ako" pang-aasar ko sa kanya. 

"Imposibleng makalimutan kita. Araw-araw ka kayang nasa isip ko" humagalpak pa siya ng tawa. Kinurot ko uli siya kahit kailan talaga puro siya kalokohan. 

"Ewan ko sayo" inirapan ko siya at hinila na para sumakay na ng kotse dahil sa gutom na talaga ako. 

Tinanggal ni A ang kamay ko sa braso niya habang hinihila siya at bigla niya akong inakbayan at pinisil ang pisnge ko. "Araaaaaay! Ano ba Anthony"

"Ang cute cute mo talaga" sabay tawa pa ng buang. At napansin kong nakatingin pala sa amin ang ilang students na nasa parking lot at biglang uminit ang pisnge ko kaya yumuko ako at kinurot si Anthony sa tagiliran niya. 

Tinawanan niya lang ulit ako. "Skyla, kilala mo yun?" tinignan ko kung sino ang tinitignan niya alat nakita kong may isang lalakeng naglalakad palabas na ng parking lot at nakatalikod na siya sa amin. Dahil sa hindi ko naman nakita ang mukha ay hindi ko masabi kung sino. 

"Hindi eh. Bakit?" 

Matagal na tinignan ni Anthony ang lalake at mukhang nag-iisip siya ng malalim. "I just thought that I saw someone" ngumite siya sa akin at inakbayan ulit ako "Let's go?" I smiled. 


My Lover is the Son of a Mafia LeaderWhere stories live. Discover now