IA: LoM (TROAG) 19

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahil sa totoo lang naguguluhan na ako. Ewan ko kung bakit

"Ano yon Cassia baby" Sabi sa akin ni Sienna

"Ano yung Student Council?" Tanong ko sa kanila

"Kapantay lang sa lakas at position ang Student Council sa atin Cassia baby. Sila rin ang tumutulong kay Hendrix sa pamumuno ng Academy na ito. They can hold mission too. Pero Cassia baby, hindi katulad ng mundo ng mga tao ang inakala mong Student Council dito. Dahil dalawa lang sila. Si Troy Black, ang Student Council President, na ang Illus nito ay Time Manipulator, a rare Illus and Jared Knight, ang Student Council Vice President, na ang Illus nito ay Necrokinesis, a rare Illus also. Sila lang dalawa ang Student Council dito. Galing din sila sa Sphinx House" Paliwanag sa akin ni Asha

Napatango naman ako. I think I need to study about the types and kinds of Illus para hindi naman ako question mark kapag nagbanggit sila patungkol sa iba't-ibang klase ng Illus

"Yung kaninang lalaki na humarang sa akin. Diba nabanggit mo yon Asha. Na siya si Jared Knight ang Vice President ng Student Council" Sabi ko kay Asha

"Yes, siya nga. Sa katunayan nagulat kami sa pagharang niya sayo dahil hindi naman yon masyado nagpapakita sa mga student. Dahil madalas sila sa Student Council Office" Sabi naman sa akin ni Asha

"Hindi na sila nag-aaral?" Taka kung tanong sa kanila

Tahimik naman na nakikinig ang iba dito

"Nag-aaral naman. Sa katunayan ay 3rd year ang mga yon" Sagot ni Sienna

Napatingin naman ako kay Grey na nasa tabi ko. Diba 3rd year din siya? Ibig sabihin ay kaklase niya ang dalawang yon?

"Kaklase mo ang dalawang yon?" Tanong ko sa kanya

"Tssss...." Bulas nalang nito

Grabe, sobrang ganda ng sagot niya (note the sarcasm). Napapailing na lang ako sa isang to

Kaya ayon kwentuhan lang kami buong araw. Ang sweet nga nila Cedric at Caleb nila Asha at Sienna. Si Thalia at si Vaughn ayon parang aso't pusa. Si Hailey naman panay tingin kay Hamish. Si Grey? Ewan ko. Naninibago ako sa kanya. Kasi naman nilalaro niya yung mga daliri ko. Hindi naman yon nila napapansin kasi naman nakatago yung right hand ko. Nasa kanan ko kasi siya nakaupo

Ewan ko sa kanya kung bakit niya nilalaro ang mga daliri ko. Buti naman hindi na ako pinaggitnaan

"Grey bakit mo nilalaro ang mga daliri ko? Nakakapanibago" Tanon ko sa kanya

Dahil busy sila. Hindi nila kami napapansin. Dahil totoo naman, nakakapanibago si Grey ngayon. Yung mga kilos niya. Nung una ko siyang nakilala, ang sungit at malamig ang pakikitungo sa akin, pero ngayon hindi na masyado

"Tss... Nothing" Ang ikli talaga sumagot nito *pout*

"Nakakapanibago ka, alam mo ba yon?" Tanong ko sa kanya

"Tsss... Yeah I know" Sagot nito

Hindi talaga mawala yung 'tsss' niya

"Where's the box of chocolate that Jared give it to you?" Tanong nito sa akin

Napatitig naman ako sa kanya

"What?" Tanong nito sa akin

"10 words and 41 letters" Sagot ko na lang habang nakangiti

Napailing na lang siya

"Nag-improve ka na Grey" Nakangiti kung sabi sa kanya

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. First time to mga guys. Kahit papaano humaba na ang pagsasalita niya

Mas lalo naman ako napangiti dahil nakita ko siya ngumiti pero slight lang. Wahhh!!! Pangalawa ko na siya nakitang ngumiti

Hindi ko napigilan ang dalawa kung kamay na mapahawak sa magkabilang pisngi niya. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko dahil nag-stiff ang katawan niya

"Isa pa nga, please" Sabi ko sa kanya habang nag-puppy eyes

Eh sa gusto ko makita ulit ang ngiti niya eh~, mas lalo siyang gumwapo at hot

"Stop that" Sabi nito sa akin

"*pout* Please Grey, isa pa" Pagmamakaawa ko sa kanya habang naka-pout

Ngumiti naman siya habang umiiling ng mahina

"Waaahhhh~ mas lalo ka pa gumwapo kapag nakangiti ka, alam mo ba yon" Nakangiti kung sabi sa kanya

Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa pisngi niya

"Tsss..." Bulas na lang nito

*EHEM!!*

Napatanggal naman ako sa pagkakahawak ko sa pisngi ni Grey at sabay tingin nila na ngayon ay nakangisi ng nakakaloko. Except nila Hamish at Vaughn dahil naka-poker face lang sila

"Kayo ha~" Pang-aasar ni Thalia

Napayuko na lang ako dahil alam ko na namumula na ako ngayon

*dub.dub.dub.dub*

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. What's happening? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako? Sa pagkakaalam ko healthy naman ako. Magpapa-check up na lang ako kapag may time. Para malaman kung may sakit ba ako o wala











💬
Tapos na rin ang chapter na ito

May gusto na rin ba si Cassia kay Grey?

OMO~

Eh paano si Grey? May gusto na rin ba siya kay Cassia?

Abangan!!!

Please vote, comment and follow me guys. Thank you so much

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon