Chapter 55 Understand

Start from the beginning
                                    



"Ano bang sinasabi mo?!"


"Wag ka ngang t*nga Kiel!! Mahal kita! Mahal na mahal kita!! Simula bata pa lang tayo, ikaw na ang mahal, gusto, crush, prince charming, lahat na! Ikaw yun Kiel! Mahal na mahal kita since we're kids!!"



Bigla nanaman akong napaluha sa sinabi niya. Sumagi nanaman sa isip ko ang nararamdaman niya kay Kiel. Ang hirap tuloy iwasan na sisihin ko ang sarili ko sa pagmamahalan na sana'y meron sila. 


Kung hindi lang dahil sa akin...



"Palagi tayong magkasamang dalawa. Masaya naman tayo pag tayong dalawa lang. Yung maglalaro lang tayo ng bahay bahayan tapos pag ayoko na ihahatid mo ako samin. Lahat yun. Doon nagsimula Kiel. Sa pagiging mabait at maalaga mo sakin. Doon tumibok ang puso ko para sayo. Ikaw lang Kiel. Ikaw lang. Hindi ko magawang magmahal o tumingin sa iba. Dahil pangalan mo lang ang gustong itibok ng puso ko. Ikaw lang!!" 


"I can't understand you." 



"Because you won't! Hindi mo naman ako inintindi eh. Hindi mo naman inintindi yung nararamdaman ko sayo! You are always busy with someone. With her. You never give me your attention!!" 


Hindi ko alam pero bigla na lang ako napahawak sa bintana. Muntik na kasi akong mawalan ng balanse dahil yinakap ni Kiel si Savannah-ng humahagulgol sa pag-iyak. Urrghh!! Nagseselos ako!



Hindi ko na maintindihan ang mga nararamdaman ko. Para akong mababaliw na hindi ko malaman. Sobra akong nasasaktan sa nangyayari. Alam kong mahal ako ni Kiel at ganun din ako sa kanya. Pero ang sakit na mayroon rin palang nagmamahal sa taong mahal na mahal mo.



Meron siyang binulong kay Kiel na hindi ko na narinig pero ang susunod na nangyari ay hinarap ni Kiel sa kanya si Savannah.


"Makinig ka sakin Vannah. Hindi kita pwedeng bigyan ng susi para dito sa puso ko. Dahil lahat ng susi, duplicate. Lahat yun, hawak ni Jassy. Kaya hindi kita mabibigayan."



"Kiel mahal kita.." 


"Pakiusap tayo na lang.." 


"Si Savannah na lang..." 


"Ako Kiel, mahal kita. Hayaan na lang natin si Jassy. Pumunta tayo ng ibang bansa. Iwan natin siya. Gumawa tayo ng istorya nating dalawa."



"Tama na!!!" 



Hindi ko na kinaya ang nakikita ko. Mariin lang namang linalapa ng halik ni Savannah si Kiel. Ang sakit-sakit na makakita ng gantong sitwasyon lalo na at yung mahal mo pa yung andoon at linalapa ng isang babaeng kababata niya. 

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now