Chapter 55 Understand

Začít od začátku
                                    



Dahil hindi na kinaya ng utak ko. Napagdesisyunan kong sumilip sa kwarto nila. Dahil bukas yung bintana. Mariin kong naririnig kung anuman ang pinag-uusapan nila. Andito lang ako sa gilid ng bintana at bukas ang tenga na nakikinig sa kanila.



"Simple lang ang kailangan ko Kiel. Isa lang naman ang kailangan ko."


"Si Kiel...ikaw ang kailangan ko."



"Gusto kita Kiel!"


Nakaramdam ako ng kirot dahil sa pag-amin niya ng nararamdaman niya kay Kiel. Hindi ko naman inasahan na ganto pala ang pakiramdam kapag nasa ganitong sitwasyon ka. Hindi ko napaghandaan.



"Ano? Anong sinsabi mo Vannah?" 

"Ang sinasabi ko lang naman ay kung ano ang nararamdaman ng puso ko."



"Nagkakamali ka ata ng sinasabi Vannah?" 

"Hindi Kiel. Siguradong sigurado ako." 



"Alam mo Vannah? Inom na lang tayo nila Aiden pati ng mga kaibigan namin. Para kung anuman ang pinagdadaanan natin eh mawala man lang." 

"No thanks but I already took some shots." 



"Ahh kung wala ka ng sasabihin. Aalis na ako."

"Ano yun?!"



Nagulat ako nang bigla ng sumigaw si Kiel. Kaya dali-dali akong napasilip sa kanila. Nakita ko na nakakawit ang braso ni Savannah sa leeg ni Kiel habang lukot ang mukha ni Kiel at nakatitig kay Savannah.



"A kiss." 

Nakangiting sagot ni Savannah kay Kiel.  Hindi ko maiwasang maluha sa narinig ko mula sa kanya. Mabuti na lang talaga at hindi ko nakita kung paano niya halikan ang boyfriend ko dahil kung nakita ko baka nagsisisi na siyang hinalikan niya ang boyfriend ko!



Pero taena!! Ang sakit eh! Ang sakit na malamang may ibang humalik sa boyfriend mo, sa taong mahal mo. Nakakainis!! Kating-kati akong pumasok dyan sa kwartong yan at hablutin ang buhok niya. Urrrgghhh!!!




"Kiss?! What the H*ll Vannah!! Anong akala mo? That we are kids? So it is okay if we kiss together?! Vannah keep up your mind!! Fvck!" Napasuntok na lang si Kiel sa pader. At nakita ko ang mukha niyang inis na inis at anumang oras handang pumatay.


"Eh kasi ang manhid mo!! Ang manhid manhid mo Kiel!! Ako lang naman yung andito pero siya pa rin yung hinahanap mo! Shit! We are together when we are kids, you and I. We are happy playing together and being together. Pero bakit siya pa rin yung gusto mo? Kailan mo naman ako magugustuhan?" Tinamaan ako sa mga binitawang salita ni Savannah.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat