"Patayin na lang natin siya, Boss." Inapakan ako ni Anne sa ulo.

Humanda talaga siya sa akin, ibabalik ko sa kanya ang mga ginagawa niya sa akin. Gagantihan ko siya, at doble pa dito ang gagawin ko sa kanya.

"You don't want to mess with my son's property, do you?" Sagot sa kanya nito.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Napaismid si Anne at tinanggal niya ang kanyang paa sa ulo ko.

"Sa dinami dami ng babae eh." Wika niya.

"Pag-usapan natin ito ng maayos, pakiusap."

Sinenyasan niya ang dalawang lalake na ibalik sa pagkakaupo sa kanyang bangko si Reed na nanghihina na naman.

"Gamutin niyo muna ang kapatid ko." Namumutla na siya at parang mawawalan ng malay.

"What's happening to him?" Takang tanong ng ama ni Ashton.

"Get a syringe, take some blood in me, and inject it to him afterward. Pakibilisan, please." Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.

Sinubukan ko ulit na makaalis sa pagkakagapos ng kadena sa akin pero ayaw pa ding makalas. Ano'ng klaseng kadena ba ito at hindi ko basta basta matanggal? O baka dahil sa masyadong marami ang nakapulupot sa akin kaya nahihirapan akong makatakas?

May dumating na isang babae, may salamin siya sa mata at in-inject niya ang dala niyang syringe sa akin upang makunan ako ng dugo. Tinurok niya iyon kay Reed pagkatapos at inubos ang laman nun.

Nakahinga ako ng maluwag ng unti unting bumalik ang kulay ng kapatid ko.

"Maraming salamat." Tawag ko sa babaeng may salamin, "Reed, ayos ka lang ba?"

Tumango naman siya at napahawak sa dalawa niyang binti.

"Now, we need to talk. We will have a deal, young lady." Binuhat niya ako at iniupo pabalik sa upuan ko na nasira ko kani-kanina lang.

"Ngayon, nakita mo na ang resulta ng ginawa mo?" Ayaw ko siyang sumbatan pero parang iyon ang gusto kong palabasin, "Isa kang pabayang ama."

Napahawak siya sa sentido niya at napatagis bagang kapagkuwan.

"I'm sorry, okay? Hindi ko naisip na ganito ang mangyayari. Now I need your cooperation with this. Seeing my wife cry because of worrying too much is killing me slowly inside. Your father is a fucking son of a demon. Ang bilis niyang kumilos." Mukha na siyang kinakabahan at hindi mapirmi sa kanyang pagkakatayo. Nagpalakad lakad siya sa harapan ko.

"Ibigay mo ako sa kanya."

Napatigil siya sa paglalakad at sinulyapan ako, tumalikod siya at napahawak sa ulo niya.

Kung gusto naming mailigtas si Ashton sa pinakamabilis at pinakaligtas na paraan, kailangan niya akong ibigay say aking ama. Ako lang naman ang habol n

"How does it feel?" Tanong niya kapagkuwan.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ang mamulat sa katotohanan. Ang malamang wala naman kayong kinalaman sa lahat ng ito pero kayo ang naiipit?"

Tahimik lang ang iba maliban sa aming dalawa na nag-uusap.

Inuungkat niya na naman ang nakaraan, ang mga bagay na kahit makakasakit kay Ashton ay kailangan niyang malaman.

Bakit sadyang napakahirap ng mga bagay sa amin? Na parang pinaglalaruan kami ng tadhana. I just met him six months ago, naging boyfriend ko siya sa halos ikatlong linggo ko pa lang sa Academy. Naging isa siyang mabuting kasintahan sa akin kahit naiiba ako sa kanya. Hindi niya ako pinabayaan, lagi niyang inaalala ang kapakanan at kaligtasan ko.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now