Napakamot na lang ako ng sarili kong ulo.

"Oh siya, birthday party ni Edu mamayang gabi. Kailangan nating mag-ayos ng maganda dahil dadalo tayo."

"Saan ba ang celebration? Mall tayo, bili tayo ng mga sexy long gown." Maarte pa niyang sabi.

"Kaloka ka ha! Mamayang gabi lang tayo makakalabas dahil sinagot na tayo ng boys kay Headmistress. And it's not about the gowns, okay? Tungkol ito kay Vhon at Reese."

"Oh? Ano'ng meron?" Pierre

"Nalalasing ba si Reese?" Charry

"Nalalasing ang mga clone, I'm not sure about her. She's the original and we came from her. Hindi niyo pa ba siya nasubukang lasingin?" Pierre

"Masyadong good girl ang isang 'yon. Hindi pa, baka daw pagalitan siya ng parents niyo."

"Edi subukan natin ngayon kapag nakabalik na siya. Haha! Pero huwag na kayong umasa, mataas ang tolerance niya sa lahat ng bagay at alam niyo iyon." Ang galing ng suggestion niya. Haha! "At kapag tumalab, baka dahil mabibigla ang sistema niya sa alak."

"Wala tayong inumin dito." Charry

"Oo nga." Sang-ayon ko.

"Let's call someone to get us some drinks then." Pierre

"Tatawagan ko si Jomarie." Charry

"Si Alejandro na lang." Pierre

"Huwag ka nga, kausap niya na ngayon si Reese."

Napatingin ako sa wall clock. Ang aga naman para sa plano namin, nine a.m pa lang eh. Haha. Bahala na, para naman huwag siyang lalango-lango mamaya kapag malasing siya.

Tinawagan ni Charry si Jomarie at kaagad namang sumang-ayon ang huli. Excited pa daw siya na makita ang magiging resulta ng plano namin mamayang gabi. Tinalo pa kami, ano? Atat na atat na din akong makita ang dalawang kaibigan namin mamaya eh. Haha.

"So ano na ang kasunod kapag nalasing nga siya mamayang gabi?" Pierre

"Tatawagin natin si King at siya ang magbabantay kay Reese. 'Yon lang." Charry

"Ang pangit ng plano niyo ha." Pierre

"Anong pangit? Kapag gumana buntis kaagad si Reese, pangit ba 'yon?" Haha! Alam kong imposibleng mabuntis si Reese dahil santo si King kapag siya ang kaharap nito. Nagtabi na daw silang matulog isang beses pero walang nangyari. Hays. Ang bait pala ni King. Hahaha!

"Mga tanga pala kayo, ano? Impotent yata 'yong kapatid ko. Hahaha!" Humagalpak siya ng tawa habang kami naman ay nakatingin lang sa kanya. Para siyang baliw na tumatawa sa mismong joke niya. Corny!

"Impotent ka diyan." Angil ko.

Natigil siya sa pagtawa at pinahid ang luha sa gilid ng magkabilang mata niya, "Woah! Ang sakit ng tiyan ko ha? Haha! Ehem. I'm not really sure ha, pero nasabi na 'yan sa akin ni Papa D. Maliit lang ang chance na mabuntis si Reese. Oh c'mon, for fifteen years sa loob ng malaking apparatus na 'yon? Imposible talaga, ladies. Ten percent ang chance na maging fertile siya. Nadatnan na ba siya?" Parang nakakalungkot namang isipin na hindi siya magkakaanak.

Pero we should always think positive! Naniniwala din akong sharp shooter si King Vhon! Si Ford nga eh, si King pa kaya? Haha!

"Oo, may buwanang dalaw siya." Charry

"Ah. Magdasal na tayo na sana magka-tsansa silang magkaanak, sayang din ang lahi namin ni sister eh." At tumawa na naman siya, nakakaloka talaga siyang kausap.

*******

Reese

"Hoy, babae. Bumangon ka na diyan at maligo. Susunduin na tayo mayamaya ni Ford. Dali na." Pukaw sa akin ni Terry.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now