Bigla naman akong binatukan nito ni Anj."Aray! Naman Anj o, gusto mo ata sumakit yung ulo ko ulit eh."

"Alam mo Teeny Weeny, minsan nagtataka talaga ako kung bakit naging kaibigan kita." Hinihimas himas ko ulit angulo ko. Ang sakit ng batok ni Anj dinaig pa ang amazona.

"Seriously?! Naniwala ka talaga sa sinabi kong nirape mo si Jeff? Niloloko lang kaya kita." Natatawang sabi ni Anj.

"Huh? Talaga? Pero hindi kaya narape ko sya talaga? Posible kasi talaga eh... Ops ops. Tama na yan ha. Ang sakit na. " Pano naman kasi, mukhang babatukan na naman niya ako ulit. Sinangga ko na ang kamay ko kung sakaling mananakit na naman siya.

"Hay nako Tin. Tama na nga yang ka-epalan mo. Let's get down to business. Akin na." nagstretch siya ng kamay sa akin.

"Huh?" Tinaas naman ni Anj ang kilay niya.

Inilahad ulit ni Anj ang palad niya. "Yung pasalubong ko. Akin na."

Nangiti naman ako. "Alam mo Anj, minsan nagtataka talaga ako kung bakit naging kaibigan kita." Ngumiti rin siya tapos nagtawanan kami.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan.

**

Gabi na nandito ako sa bahay, nagluluto ng dinner. Bago ako pumasok may nakita na naman akong mysterious note sa may pintuan. We know you just returned. Be afraid.

Afraid na talaga ako. Sino kaya 'yung mga nagpapadala ng notes na 'yun? Ang creepy na.

"Nandito ka na pala."

"AY KABAYONG BUNDAT!" Napaikot ako para harapin 'yung tao na biglang nagsalita. Hawak ko pa ang sandok na parang espada lang. Hala, si Jeff lang pala eh. Nakakunot na naman ang noo na parang naguguluhan kung matatawa o matatakot sa akin.

"Hahampasin mo ba ako ng sandok?"

"Huh? Hindi ah." Todo iling ako at binaba ko na ang sandok. "Sorry naman, nagulat lang ako. Uhm, kanina ka pa dyan?"

Tiningnan niya lang ako. "Akala ko walang tao. Wala kasing baliw na sumalubong sa'kin sa pinto." Sabi niya tapos naglakad papunta sa ref at kumuha ng tubig. Hala galit ba sya kasi di ko siya nasalubong? Sorry naman iniisip ko kasi kung sino ang mga nagpapadala ng notes. Hindi ko tuloy siya napansin.

"Uy Jeff. Galit ka ba?" Uminom lang siya ng tubig. "Sorry na. Uh, kamusta nga pala sa office? Kamusta yung kaso na hinahawakan mo? Nagkita na ba kayo ulit ni Tom"

Naglakad na si Jeff papunta sa dining table at umupo. Hindi pa rin namamansin. "Uhm, gutom ka na ba? Wait lang ha. Maghahanda na ako." Hindi pa rin siya sumasagot.

Nilagay ko na sa table ang food tapos nagstart na kami kumain. Di pa rin nagsasalita itong lalakeng 'to. Grabe, nagtampo agad. "Psst. Jeff. Masarap ba yung luto ko?" Kain lang siya ng kain. Di tumitingin sa akin.

"Nasarapan ka 'no! Diba ang galing ko magluto?" No reaction pa rin.

"Uy, salita ka naman dyan. Baka matuyo yung laway mo sige." Wala pa ring sagot.

"Yoohooo! Pogi! Gwaps! Macho! Papable! Mamansin ka naman dyan." No reaction. Talent niyah ata 'yan ang hindi mamansin. Ano kayang gagawin ko. Ah alam ko na!

Sumigaw ako."BUBU! BUBU! BUBU!" Napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin.

"Uyyy! Ikaw ha! Bubu! Namiss mo yung nickname ko sa'yo 'no?" super smile ako sa kanya kasi nakatuon na atensyon niya sa akin.

Tiningnan niya ako ng masama parang may internal debate siya kung sisigawan niya ba ako o hindi na lang ulit papansinin. At hindi na nga lang nya ako pinansin.

Seducing My HusbandWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu