IA: LoM (TROAG) 18

Start from the beginning
                                    

Maya-maya ay nagbubulungan na naman sila na rinig na rinig ko naman

"OMG! Bagay sila ni Prince Grey"

"Mas bagay sila ni Prince Hamish"

"Ano ba kayo, mas bagay sila ni Prince Vaughn"

"Hindi. GreSia forever"

"No. MishCa forever"

"Aba. VauSia forever"

Namula naman ako sa mga naririnig ko kaya napayuko na lang ako. Ano ba ang pinagsasabi nila? Napa-pout na lang ako. Narinig ko naman ang pag-giggle nila Asha at Sienna sa harapan ko

"Good Morning" Napaangat naman yung ulo ko

"Good Morning Professor Zane" Bati namin except nila Vaughn, Hamish at Grey

"May bago na kayong nadagdagan, please come here in front and formally introduce yourself" Sabi ni Professor Zane

Tumayo naman ako at naglakad papunta sa harapan. Kinakabahan ako, pero kaya mo yan Cassia Jade Alvarez

"Hi 😊 I'm Cassia Jade Alvarez, 17 years old mag-i-18 this October. May Illus is Ice Element. May special ability is healing. Nice to meet you all. Hope we can be friends" Pakilala ko sa kanila

Sa totoo lang hindi pa lang yan ang special ability ko. Madami akong special ability pero sinabihan na ako ni God Erebos na ice element ang gamitin ko then yung special ability naman ay healing

"Friends!!" Sabay na sabi nila

Except nila Asha, Sienna, Vaughn, Hamish at Grey. Sina Asha, Sienna at Vaughn ay nakangiti sa akin. Nakita ko naman si Hamish at Grey na ngumiti pero slight nga lang. Pero ok lang yon. At least ngumiti sila diba?

Ngitian ko lang silang lahat at umupo na ako

"Ok class. We have a physical combat training. Kaya magbihis na kayo. Then deritso na kayo sa field" Sabi ni Professor Zane

Hinawakan naman ako nila Asha at Sienna. Napapikit naman ako dahil sa hangin. Pagdilat ko ay nandito na kami sa Elites dorm. Teleportation

"Nga pala, bakit nandoon sila Grey, Hamish at Vaughn sa room natin?" Agad kung tanong sa kanila

"Well, ganito kasi yan. Every Physical Combat subject ay kasama ang tatlong yan. They help us for the Physical Combat, parang assistant ni Professor Zane, ganoon" Paliwanag ni Sienna

Napatango naman ako

Pumunta naman ako sa kwarto, using teleportation, na sa pinakahuli kasi yung room ko. Ganito, sa 2nd floor buong kwarto yan at ang nagmamay-ari ay si Grey. Dahil anim na kami ngayon ay nasa 6th floor ang room ko, so gets niyo na. At nagbihis na nga ako ng P.E uniform. Isang pink na short-short and a white fitted t-shirt. Ng matapos na ako mag-ayos lahat ay lumabas na ako sa kwarto at nag-teleport papunta sa sala

"Wahh!! Bagay na bagay sayo ang P.E uniform natin Cassia baby" Nagniningning na sabi sa akin ni Asha

"Nako~ ano kaya ang reaction ng mga boys sayo" Sabi na lang ni Sienna

Namula naman ako. Sa katunayan ay hindi ako komportable sa suot ko. Especially sa pang-itaas. Paano naman kasi, fit na fit ang white t-shirt kaya, nasisikipan yung dibdib ko. Mabuti na lang white brasserie ang suot ko

"Nga pala Cassia baby, may ipakilala kami sayo. Kaibigan rin namin sila. Sa pagkakaalam ko ngayon ang dating nila. Sila ang Reapers" Sabi sa akin ni Asha

Tumango lang ako. May Reapers pala dito. At sila din ang pumapangalawa na pinakamalakas dito sa Illus Academy. Then hinawakan naman nila ako at nag-teleport na kami papunta sa field. Ng makarating ay lahat na sa amin ang attention. Hindi talaga ako sanay sa attention na binibigay nila sa akin

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now