"Wala iyon."

"But why did you do it, bro? Kung normal lang siya, baka patay na siya ngayon." Castiel

"Dalawang linggo nang hindi nakakauwi si Papa, wala na kaming kontak sa kanya. Isang araw may pumuntang babae dito na kamukha ng kambal ko." Umpisa ni Reed, "Muntik niya ng masaktan si Joseo. We really thought you transformed into the monster we, ourselves have been preventing for two years now. Nang sumunod na araw, may pumunta ulit. Kamukha mo pa din."

"Ilan na ang napatay niyo?"

"Tatlo na, akala namin hindi ikaw ang kapatid ko. Pasensya ka na talaga."

"Bakit hindi niyo ako tinawagan?" Bakit hindi man lang nila pinaalam sa akin na nanganganib na pala ang mga buhay nila dito? Na nawawala si Papa at may sumugod na sa kanila?

"You can't do anything to help us, anak. Kayo ni Reed. They want us dead, and he has your father now." Mangiyak ngiyak na lapit ni Mama bitbit ang isang first aid kit na bag.

"Reed, ikuha mo ako ng pamalit." Tumalima naman siya at umakyat na sa kwarto namin.

"Mama, kailangan niyong maging tapat sa akin. May karapatan kami ng kambal ko na malaman ang katotohanan. Ipinapangako ko, papatayin ko siya at ililigtas ko si Papa sa abot ng aking makakaya."

"Akin na yang s-sugat mo, anak. Lilinisan ko." Alok niya

"Huwag na po, kaya ko na." Pinunit ko ang T-shirt ko at napasinghap silang lahat sa ginawa kong iyon.

"Reese?! Mga lalaki kami, ano ka ba?!" Edu

"It's okay, hindi man sanay sa crowd ang anak namin. Maayos naman ang consciousness at comprehension niya. And since wala siyang emosyon, hindi siya naiilang sa inyo." Mama

"Bigyan niyo ako alcohol at pwedeng pagsindihan ng apoy. Bandage na din po, Mama."

"Teka... Alam ko 'yang binabalak mo, Reese." Jomarie

Binigyan ako ni Mama ng isang towel na basa at ginamit ko itong pamunas sa mga dugo na dumikit sa balat ko. Dalawang sugat, wala pa isang oras na nandito kami. Wala pa kaming matinong napag-uusapan.

"Magsimula na po kayo, Mama." Tukoy ko sa ipinunta namin dito.

Bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ko.

"Let me." Lapit sa akin ni Ford.

"No need, hindi ko na kailangan ang isang 'to. Kakamayin ko na lang ang pagkuha ng bala." Kinuha ko ang alcohol at naghugas ng kamay. Binuhusan ko ang tama ng bala sa tiyan ko at walang anong ipinasok ang isang daliri ko doon.

"Oh my gosh​..." Bulalas ni Terry.

Inabot ni Reed ang dala niyang t-shirt. Tumabi siya sa akin na kandong si Joseo.

Nakahinga ako ng maluwag ng makuha ko na ang bala na bumaon sa tiyan ko at inilagay iyon sa mesa. Basang basa ng dugo.

"Eighteen years ago, may nakilala kaming mag-asawa. Sina Dimitrios at Reesa Kaida. Masayahin silang mag-asawa, nadagdagan ang kaligayahan nila nang mapag-alaman nilang nagdadalang tao si Reesa hindi lang sa isa kundi dalawang baby. Napakagandang babae ng Mama niyo, kamukhang kamukha mo siya, Reese anak. But fate is just so unfair, it was twelve midnight nang maglabor siya unexpectedly. The exact time when a certain underground organization hired a dozen of people to kill the Kaida family. Nagbleeding si Reesa at hindi naagapan since they were running away from their killers." Nakatingin si Mama sa kawalan habang nagkukwento. Naghihintay kaming sa mga isinisiwalat pa niya.

Kamukha ko ang totoo naming Mama? Kamukha namin siya ni Reed. Ibig sabihin ba walang kasalanan si Dimitrios sa pagkamatay niya, ngunit bakit nagawa niya kaming gawing ganito?

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now