"Sana sinabi mo na kaagad sa umpisa pa lang na hindi mo kayang manakit ng babae, ikaw pa tuloy ang nasaktan." He's standing behind me a few steps away. Nilingon ko siya at nakitang nakangisi habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib.

What a proud boyfriend do I have here? His eyes are sparkling again.

"I'll cheer you up, sweetheart. Go on, beat her down. You can kill her if you want, just make it slow for her to taste her death till her last breath." Ah. I'll give him what he wants then.

"Your wish is my command." Ako na ang umatake sa kalaban. Inambahan ko siya ng isang suntok pagkatapos nun ay tumalikod ako at binalak na patamaan siya ng kaliwang siko ko na kaagad niya namang nasalag. Mabilis ang reflexes niya kaya nakapanangga kaagad siya.

And I made a mistake, she's not a pro. She may move like Ashton but she can never win against him if only she's a guy. Masyadong mahina ang taktika niya kahit mabilis ang kanyang kilos.

Hinuli niya ako sa dalawang braso at ikinulong upang hindi ako makagalaw. I've done a calculation already, I'm done checking her move and force. Tinuhod niya ako sa likod, hindi ako napaluhod nun. Walang epekto. Ang ginawa ko ay yumuko ako at binunggo ko ang aking ulo sa mismong mukha niya. Nabitawan niya ako at kaagad akong gumawa ng isa pang atake. Umikot ako kasabay ng pagsampal ng kanang paa ko sa pisngi niya. Surprise kick. Halos matumba siya sa impact ng ginawa ko. Nabitawan niya din ang hawak niyang punyal.

I'm giving her back what she did to Ashton. She deserves more of it and I am very much willing to double the pain and wound she gave to him.

"Take it, hold it. Use it against me again. Just make sure that you can at least give me a bruise." Mukhang nainsulto siya sa sinabi ko kung kaya ay tinapon niya ang isa pa niyang hawak at nagdefense position. Nakakuyom ang dalawang kamao paharap sa akin.

"Make it thrilling, sweetheart. I'm bored to death of how she fights back to you." Saad niya sa likod.

Pumikit ako ng dalawang segundo, pagmulat ko ay nag-iba na ang paningin ko sa kanya. So she was just playing easy earlier? Mukhang ngayong pa lang siya magseseryoso.

"He will die, soon." Malalim niyang bigkas.

Sa sinabi niyang iyon ay parang may kumirot sa loob ko. Hindi iyon mangyayari, poproteksyunan ko siya sa lahat ng makakaya ko.

In a few seconds, she's in front of me throwing punches and releasing kicks. Hindi naman ako magpapatalo, nasasalag ko ang lahat ng atake niya. Nagpapakawala din ako ng ilang suntok at sipa.

Natamaan niya ako sa tiyan ngunit wala akong naramdamam kahit konting sakit.

Pinaulanan ko siya ng suntok hanggang sa napaatras siya ng napaatras. Sugod lang ako ng sugod. Kapag ipinagpatuloy ko ito ay siguradong mapapagod na siyang dumepensa.

Nasalo ng kanang braso niya ang paa ko na ginamit upang masipa siya, hinuli niya iyon at hinawakan ng madiin.

Napangisi siya, "Don't rejoice yet, we're just starting over."

Ginawa kong patungan ang dalawang kamay ko sa semento at sinipa siya ng isang paa ko papaikot. Natumba siya. Mabilis akong kumilos at sinakal siya sa leeg hangga't may pagkakataon.

"A-ah." Mahinang daing niya. I'm closing my palm to strengthen my grip on her neck.

Mabagal siyang napatayo at hinawakan ang braso ko na nakasakal sa kanya. Wala siyang kawala, baka mapatay ko na siya.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Utos ko.

Kahit nahihirapan na siyang huminga ay nakuha pa niyang tumawa.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now