"Masaya lang ako na dinala ni Señorito ang girlfriend niya." Wika niya kahit hindi ako nagtatanong.

"Hindi naman ako--"

"Ano'ng oras kayo matatapos diyan?" Lapit ni Ashton na masungit na naman ang hitsura, "Oh?"

"Tapos na kami."

"Sumakay ka na." Utos niya.

Inalalayan naman ako ni Nico sa pag-akyat sa kabayo na tinawag nitong si Lincoln. Disiplinado ang hayop na ito, at parang nakakaintindi kapag pinagsasabihan o kinakausap.

"Sumunod ka sa likod ko. Huwag mo'ng aalisin ang tingin sa akin, maliwanag ba?" Pang-ilang utos niya na ito sa akin.

"Oo."

Pinalakad niya na ang sinasakyang kabayo kaya gano'n rin ako. Kagaya ng bilin niya ay tahimik lang ako na nakasunod kung saan siya pupunta. Umpisa ay mabagal ang lakad nila hanggang sa tuluyan na silang tumakbo.

Yumuko ako malapit sa tainga ni Lincoln, "Bilisan mo ang takbo."

Humabol ako kay Ashton hanggang sa halos magkasabay na kami. Nilingon niya ako na walang ekspresyon ang mukha.

Dumaan kami sa mga kakahuyan.

Maraming ibon ang nag-ingay at nagliparan nang marinig ang ingay ng mga yabag ng mga kabayo.

"Ashton, tigil."

"What?!"

"Tigil."

"What the fuck are you saying?!"

"Ang sabi ko... Tigil!" Napabitiw ako sa handle kaya nawalan ako ng balanse habang takiptakip ang bibig ko na nalaglag sa damuhan.

Patuloy sa pagtakbo si Lincoln habang si Ashton ay alisto na tumigil at bumaba ng sinasakyang kabayo. Humahangos na dinaluhan niya ako.

"What on earth?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Sinipat niya ang ulo, mukha, braso maging hita hanggang sa paa ko.

"Sorry."

"Ano?! Ano'ng kalokohan ang naisip mo at bigla kang bumitaw kay Lincoln?!"

"May nakita ako na gumalaw sa 'di kalayuan." Pinigil ko ang kamay niya sa pagsipat sa mukha ko, "Okay lang ako."

"Pinagsasabi mo? Naalog ba 'yang utak mo?"

Hinawakan ko siya sa leeg at inilapit sa akin sabay huli ng kahoy na muntik nang tumama sa kanyang ulo.

"What the...!"

Hinatak ko ang kahoy sabay tapon sa malayo. Kaagad ako na tumayo at tinulungan si Ashton.

"Wala talagang mabuting nangyari simula nang humiwalay ako sa pamilya ko." Usal ko, "Simula nang umalis ako ng bahay ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin."

"Who are you?! Ang lakas ng loob mo na sumugod sa property ko!" Nanggagalaiti na sigaw ni Ashton.

Sana ay hindi niya napansin ang nangyari kanina no'ng nagtaas rin ako ng boses.

Pinigilan ko siya sa balikat nang akmang susugurin niya na ang kalaban. Hindi ko agad napansin na may papababa mula itaas namin na may hawak na katana. Masyadong mabilis ang nangyari.

"Ang kamay ko." Naputol niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat ni Ashton.

"What the fuck?! What the actual fuck?!" Taranta na parang nauulol si Ashton sa nakikita. Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ako o ano.

"Okay lang ako. Pero nakakapagtaka..." May dugo nga na lumalabas sa braso ko pero paunti-unti itong bumabagal, "May alam ba kayo?" Tanong ko sa dalawang kalaban.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora