Chapter 53 I Love Her (Part 1)

Start from the beginning
                                    


"Three points!!" Nag-akto ako na naka three points. Naasar si ugok at tinaasan lang ako ng middle finger niya. Gagu pikon!



"Normal lang yan sa magkarelasyon. Tama si Aiden. Lambing lang ang hinahanap at hinihintay ng mga babae." Seryosong sagot ni Kuya Joshua na prenteng nakasandal at nag-eenjoy.


"Sabi sayo eh!" Ismid na sabat ni Aiden. 



"Kaya ako, maglalambingan kami mamaya ni Honeypie ko." Sambit niya sa sarili niya habang nakapikit at nakalagay pa ang dalawang kamay sa uluhan niya.


"T*ng ina mo naman Aiden. Ang libog mo." Natatawang kantyaw ni Kuya Joshua kay Aiden.



"Inggit lang kayo! Kasi ako naka home run na. Kayo?" Mayabang na tanong niya samin.

"Ul*l!" Mura ko sa kanya.



"Anong sinabi mo?! Baka gusto mo ikwento ko pa sayo kung paano ako naka home run kay Love ko?" Mayabang na hamon naman ni Kuya Joshua.

"Owww!!!" Nagprente pa si Aiden na napaso. Hahaha Burn si ugok eh. Burn!!!



"Ano? Trash talk ka!" Asar ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng middle finger niya.


"Kuya Joshua! Balita ko may balak na manligaw kay Ate Dianna?  Yung Salome ata yun?" Naguguluhang tanong ni Aiden kay Kuya Joshua. Umasim naman ang mukha ni Kuya Joshua.



"Subukan lang niya. Tatanggalan ko siya ng bayag niya. T*ng ina niya!" May autoridad na sagot ni Kuya Joshua.


Hindi na ako nakinig sa kanila at tumingin na lang ako sa dalampasigan. Nakita ko ang dalawang tao na talaga naman ubod ng ka-sweet-an at kulang na lang gapangin ng langgam. Nag-eenjoy silang mag loving-loving.



Nakaramdam ako ng inggit. Gusto ko nang makita at makausap si Jassy. Kagabi pa akong kating-kati. Miss na miss ko na siya. Yung tawa niya, yung ka corny-han niya, yung malalambot niyang kamay at yung labi niya.


Fvck! I want to see her now. I can't wait!



Tumayo na ako sa kinakaupuan ko at naglakad na papunta sa room nila para puntahan siya. Mag so-sorry na lang ako sa kanya at gaya ng sabi nila Kuya Joshua. Lambing lang daw, uubra na. Kaya lalambingin ko siya para magka-ayos na kami. Fvck!! Hindi na ako makapaghintay!



"Oh..Hi!!" Natigil ako sa pagtakbo nang makasalubong ko siya.

"Vannah?" Bati ko sa kanya. Nakasuot siya ng swimsuit na talaga namang kinulang sa tela. May kasama siyang dalawang babae na kaibigan niya ata. Ngayon ko lang sila nakita.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now