Mixed Poem

9K 73 11
                                    

Ako'y hindi perpekto.
Tao lang na katulad mo.
Kung pag-uugali mo'y hindi gusto
Madalang bubuka bunganga ko.
Maraming nakilala
Pag-uugali,iba-iba.
May mabait,mala Santa Clara.
Meron naman maikukumpara kay Hudas o Satanas pa.
Hindi mo masisisi
Sa daan,nasasalubong na may ngiti.
Pero sa utak niya ika'y binibigti.
Katawan mo ay hinahati.
Posibleng ikaw yun ang napaisip.
Sa katangiang taglay,ikaw ba'y mahimbing na nakaka-idlip?
Oh konsensya mo'y palagi kang sinisilip.
At kinakailangan pang mukha ay lagyan ng takip?
Sa pag-uusap niyo,para siyang anghel sa langit.
Pero iba't ibang kaibigan,nababanggit.
Komentong negatibo,
isa,dalawa,tatlo o mahigit.
Tono niya'y parang naiinggit.
Mag-ingat sa kaharap.
Tatalikod ka lang,kwento tungkol sayo'y napasarap.
Magtiwala sa tao,napakahirap.
Tandaan,hindi lang politiko ang kurap.
Tahimik na tao'y nasasagasaan.
Pisngi,kasing kapal ng kalan
Kung siya'y babalikan,
Iiyak lang na para bang ikaw pa ang may kasalanan.
Hindi inaangkin
Kasalanan,hindi kayang tanggapin.
Palagi siyang tama sa paningin.
Napakasagrado sa harap ng salamin.
Kamag-anak man siya o kaibigan.
Alam mong,di maiiwasan.
Ugali man ay may kagaspangan.
Alam mo naman puso niya'y merong kabutihan.
May di kanais-nais man siyang tinataglay.
Sa Diyos,ang hinanakit mo'y sa Kanya ialay.
Baka mandilim ang paningin,ika'y mawalan ng malay.
Pagtuonan na lang ang sarili,kasi minsan ika'y sumasabla


Sa tuwing may itatanong ako sayo,
inihahanda ko ang sarili ko sa sakit na maaaring idulot ng isasagot mo.
Pero hindi ngayon, hindi rito.
Hindi kasing dali ng pagtakbo palayo o pagbagsak ng pinto
ang pagkawasak ng aking pagkatao.
Ako mismo ang nagsabi sayo noon na umiikot ang mundo at lahat ay maaaring magbago ngunit hindi ko inaasahang kabilang doon ang pag-ibig mo.
Hindi ko maiwaglit sa alaala kong ang gabing 'yon,
pinaalalahanan mo 'kong huminahon,
sabay, "Paalam."
Hindi hinayaang ika'y pigilan.
Hindi hinayaang tutulan ang paghihiwalay ng ating kalawakan.
Mahaba pa ang panahon na maaari kong igugol para sayo.
Dahil alam kong hindi tayo karapat-dapat magwakas ng ganito.
Patuloy ka lang magpapaalam.
Patuloy mo lamang akong sasaktan.
At paulit-ulit lang din kitang patatawarin;
paulit-ulit na mamahalin.
Alam kong pagod ka na rin, sa pagsasagwan sa kalagitnaan ng dagat na akala ko'y atin.
Alam ko ring nais mo nang pumalaot, dahil sawa ka na sa lungkot.
Gusto kitang ikulong sa mga bisig ko ngunit alam kong hindi na 'yun ang gusto mo.
Hindi ko sasabihing malaya ka na.
Dahil umaasa pa rin akong bukas, sa isang araw, o sa makalawa, babalik ka.
Alam kong babalik ka.
Hihingi ka ng tawad, at oo, patatawarin pa rin kita.
Tanga na kung tanga.
Handa akong masaktan, kahit ikaw ang paulit-ulit na dahilan.
Hindi ko sasabihing malaya ka na.
Dahil patuloy kitang igagapos sa mga tula;
patuloy akong magsusulat kahit maubos ang tinta ng aking mga panulat.
Patuloy akong maghahandog sayo ng pagmamahal,
pilit kong ipantatapal
sa mga sugat,
ang bawat pamagat
ng samu't-saring kwentong ating binuo.
Ikaw pa rin ang mamahalin.
Ikaw lang ang mamahalin.
Kahit alam kong wala nang matitira para sa akin.


Isang paalala ng paglisan, isang sampal ng katotohanan.
Na kahit gaano ko man gustuhin na ibalik ang nakaraan
Na kahit gaano man kita pilitin na wag mo akong iwanan
Pag-alis at pagkawala mo sa yakap ko ay hindi mapipigilan
masakit ang maiwan ng wala man lang paliwamag
Pero mas masakit na yung bukas nating dalawa ay di ko na maaaninag
Pinangakong habang buhay na pag ibig ay nasan na?
Pinlanong pagmamahal sa hinaharap ay tinalukuran mo na.
Pinipilit itago ang lungkot ng muka sa mga tawang walang laman
Nakikisabay sa ingay ng mga sasakyan
Pilit pinaghihilom ang pusong sugatan, ngumingiti kahit na nasasaktan
Sumasabay sa agos ng alon, hinahayaang turuan ng panahon
Nang sa gayon ay maalis ang lungkot at umasang ngumiti na ulit ngayon
.
Sisimulan ko ulit tahakin ang mundong puno ng pagsubok na wala ka sa piling ko sinta, tatapusin ang paghihirap na dulot ng iyong pagkawala.
Babalik sa lumang ako, na walang katulad mo. Babalik sa lumang ako, bago pa masiraan ng ulo.




Unspoken PoetryWhere stories live. Discover now