I'm Moving on

12.1K 134 8
                                    

How will you introduce yourself in the class?

"Hi! First of all I just want to say Goodmorning everyone! By the way I am Moving on, or you can call me Move on. I am (insert age) years old and from (insert address). You can just add me in Facebook, follow me in Twitter, Instagram and Snapchat for more information. And lastly, just a friendly reminder, I don't give free papers. I sell them. Thank you. 😁

EL ÚLTIMO
ni Jessel Oronos
Nagpakamakata ako, gumagawa ng mga tula patungkol sayo.
Na sa bawat pantig, salita, parirala, berso't taludtod ng aking mga tula hindi pwedeng hindi ikaw ang paksa.
Pero naisip kong ang mga tulang aking nalikha ay walang magagawa upang ika'y bumalik kusa man o hindi.
Na kahit na makalikha ako ng napakaraming mga tula, sampu? Bente? O kahit isang daan pa. Di na maibabalik ang dati sapagkat ito'y lumipas na.
Na kahit na dumugo ako, mabali ang aking mga buto, magpakahubad ako sa harap ng maraming mga tao sa pamamagitan ng mga tula ko, wala nang mababago. Wala nang magbabago. Wala ka na sa tabi ko.
Wala ka na sa tabi ko.
Masaya ka na sa bago mo.
Sana lang kaya ka niyang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo.
Na sana kahit doon lang, maging panatag ang loob ko.
Na kahit di na ako ang dahilan nang pagiging masaya mo,
Alam kong may nagmahahal at nag-aalaga sayo.
Ang tanging panalangin ko lang
Na sana sa susunod na buhay,
Makilala ulit kita.
At sana doon, mamahalin mo ako at mamahalin kita nang malaya.
Malaya na wala nang hadlang, wala na ang natatanging harang na siyang pumagitan sa mga puso nating nagmahalan.
Kaya mahal, siguro ito na ang huling tulang isusulat ko. Ang huling tulang isusulat ko patungkol sayo. Ang huling tulang isusulat ko para sayo. Ang huling tulang nagpapatungkol sa dapat na merong "tayo".
Ito na ang huli mahal ko, nawa'y maging masaya ka kahit ang kasama mo'y di na ako. Adios, te quiero!

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon