Napaupo ako ng maayos tsaka tumingin ng diretso sa kaniya. "Hindi ah! Interesado ako ah! Ano 'yon? Sige tuloy mo lang!" Plastik na sabi ko pero sa totoo lang wala akong pakialam sa Klenth na 'yon.

"Chismosa pala si Sasha, naku! Hahaha!" Natatawang sabi ni Arjie.

"So ayown nga! Nililigawan na pala ni Klenth si Elli! Na magiging Campus Princess na soon! Grabe! Sa bait at ganda ni Elli ay syempre liligawan siya ng Isang Klenth Sejin Aspinne!"

"Sa ugali niyang 'yon?! 'Yung bully na 'yon? Nakuha pang manligaw?? Nakakahiya!"

"Shhh! 'Wag kang ganyan magsalita! May makakarinig sa'yo patay ka talaga sa isang Klenth Sejin!" Nag-aalalang bulong ni Arjie. Ngumisi naman ako.

"At bakit? Sino ba 'yong lalaking 'yon? Bukod sa isa siyang Campus Prince at Top 3, ano pa siya? Duh! At isa pa, hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa niya kay Yumie!" Inis na sabi ko.

"Hindi mo kilala ang T4 slash Campus Royalties, Sasha. Hindi naman sa sinasabi kong masama sila pero... magugulat ka nalang..." Nagbabanta ang tinig ni Cherwin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Napabuntong hininga nalang ako at napalunok.

"Mayayaman ang mga 'yon. Matunog ang mga pangalan sa ibang bansa. Kung hindi man sila medyo sikat dito sa Pilipinas, sikat sila sa ibang bansa-" si Arjie.

"Ano 'yon?! Artista ba sila? Duh!"

"Hindi pero si-"

"Teka teka!" Pagpigil ni Arjie kay Cherwin. Nilingon naman namin 'to. "Line ko 'yong Harujusko, ah? Ginagaya mo talaga akong bakla ka noh?!"

"Huehue peace!" Tapos nag peace sign naman siya kay Arjie.

"Oh andyan na pala si earphones!" Masayang sambit ni Cherwin habang nakaturo sa pinto. Nilingon ko naman 'to at ayon. Kakarating pa lang ni Ms. earphones a.k.a Zell. "Good morning, teh!"

"Morning..." Tipid na bati niya at tinanguan kami. Umupo naman siya at sinaksak na naman ang earphones sa kanyang tenga, well that's her.

Sunod na pumasok si Yumie at ang nahuhuli palagi ay si Axiesse. Kaonting kwentuhan lang at maya-maya, dumating na si Miss Aragon.

Sa kalagitnaan ng discussion ay may bigla akong naalala. Kung si Fhia ay tita si Miss Aragon at kapatid ni Fhia si Elli, so tita rin pala siua ni Elli?

Syempre naman, Sasha! Duh. Ano bang klaseng pag-iisip 'yan? Bobo lang?

Sino ba si Ellisandra Vergara? Parang may natatandaan ako sa pangalang 'yan pero pakiramdam ko parang wala. Ay.

Sunod-sunod na pumasok ang mga lecturer hanggang sa last subject namin ngayon umaga. Pinabihis kami ni Sir Michael ng PE uniform at pinapapunta sa field kaso ang problema, wala pa kaming PE uniform. Next week pa daw 'yon makukuha.

Dumiretso nalang kaming apat sa field at umupo sa may silong doon. Matindi ang sikat ng araw kaya kami sumilong sa may puno malapit sa field. Malawak, malinis at puno ng carabao grass ang field. Dito raw ginaganap ang flag ceremony tuwing lunes.

Mga baguhan pa lang kami kaya hindi namin saulo ang buong school. Malapad at malins ang lugar. May mga malalaking building ang school na parang mall ang nasa loob. Puro glass walls at halatang matibay.

Sa mga malaking building ay magkarugtong 'to gamit ng mga glass wall bridge. Ang mga buildings na 'yon ay nakapalibot sa isa na namang garden. May fountain sa gitna at maraming magandang halaman. Batid ko'y mamahalin ang mga 'yon. Galing dito ay natatanaw ko ang iba pang mga building, probably the buildings of college students.

Hindi nagtagal ay nagsipaglapitan na kay Sir Michael ang iba naming kaklase. Lumapit kaming apat doon. Nasa field mismo kami! Kahit na tirik na tirik ang araw!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now