"Salamat."

"You're welcome. Oh siya, papasok na kami ni Charry. Gusto mo ba ihatid ka namin sa Black Jail? Medyo malayo din 'yon dito eh, nasa dulo pa." Terry

"Huwag na, salamat. Susunduin naman nila siguro ako, diba?"

"Ah. Oo, nakalimutan ko. Hay, mag-iingat ka doon ha? Maraming barumbado ang nandoon eh. Kinakabahan ako para sa'yo!" Terry

"Okay lang, makikita niyo pa ako. Ingat kayo." Paalam ko ng lumabas na sila ng kwarto

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Reed.

"Hello, Reese? How are you? May nang-away ba sa'yo diyan?"

"Third day ko pa lang dito, Reed. Okay lang ako. Wala naman."

"Gusto mo bang kausapin si Joseo?"

"Huwag na. May sasabihin ako sa 'yo at ipangako mong hindi ito makararating kina Mama."

"Ano 'yon?" Reed is my twin brother and I know he won't let me down. We were together all our lives kaya kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.

"Lumabag ako sa batas, nasa second offense na ako. Ikukulong ako ngayong araw sa Black Jail, hindi ako sigurado kung ilang araw ako do'n."

"Ikaw talaga, bakit ka naman umabot do'n?"

"Papunta na kasi ako sa senior high building kahapon tapos may mga humarang sa akin. Gusto nila akong saktan kaya nanlaban ako. Nahuli akong nag-cutting classes pagkatapos no'n, nadagdagan kasi sinumbong nila ako na ako ang nambugbog sa kanila."

"Paano na 'yan? Nasugatan ka ba nila? Nakaramdaman ka ba ng sakit?"

"No, I even felt nothing. Kahit nga no'ng hinampas ako ng baseball bat sa braso ay hindi ko naramdaman."

Advantage of being a soldier-- I feel no pain. Tinatawag kami ni Papa na soldier dahil daw magiting kami na nakipaglaban sa sakit namin.

"Talaga? Kapag gumaling na ako, papasok din ako diyan para matulungan na kita, sabi ni Papa malapit na daw siyang matapos sa gamot ko. Hindi ko na kailangan pang kumuha sa dugo mo."

Magandang balita kung gano'n. Lagi ko kasi siyang naiisip, sakitin siya at kailangan niya ng dugo ko kapag nanghihina siya.

"Mabuti naman, magagawa mo na din ang mga bagay na ginagawa ko. Sige, tatawag na lang ako diyan sa susunod na araw. Mag-iingat kayo."

"Ikaw din, Reese. Hihintayin ko ang tawag mo." Pagbaba ng cellphone ay itinago ko iyon sa bulsa ng palda ko.

Lumabas na ako ng dorm at ni-lock ang pinto. Nakasuot ako ng uniform ko. Mabilis na naglalakad pababa ng hagdan. Mabuti na lang at may extrang uniform at blazer ang bawat estudyante kaya hindi na ako nabahala na madumihan ulit ang damit ko.

"Move faster, lady! Ang bilis mo ngang lumabag sa batas pero ang bagal mo namang kumilos!" Pambungad sa akin ni Vhon na nasa dulo ng hagdan. Galit na naman siya. Wala naman akong kasalanan sa kanya ah.

"I'm sorry, I thought 8 a.m. mag-uumpisa ang-"

"Shut up, lady! Tss. Reasons." Putol niya.

Edi tatahimik na lang ako.

Lumagpas kami sa dormitoryo at naglakad pa ng isang oras para makarating sa Black Jail. Naiintindihan ko na kung bakit masyadong maaga niya akong sinundo. Malayo din pala ang kulungan.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now