Nauna silang tatlo sa paglakad palayo habang si Reed naman ay nakatayo pa rin sa harapan ko.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya, "You don't have to overthink, Reed."

"I'm not overthinking. Iniisip ko lang kung makakaya mo ba rito na mag-isa."

"Makakaya ko."

"Don't act so dumb and insensitive, Reese." Siya naman ang nagpapaalala, "Your face looks too cold. Baka isipin nila ay robot ka o multo."

"O bampira." Dugtong ko naman, "Huwag ka nang mag-alala pa, nag-ensayo na ako ng maigi. Alam ko na rin ang buong pasikot-sikot rito at mga batas kaya alam ko na ang dapat at hindi ko dapat gawin."

"Mabuti naman. Sige, aalis na kami. Mag-iingat ka rito. Ako ang tawagin mo kung sakali man."

"Mahal ko kayo." Paalam ko sa kanya.

"Mahal ka namin." Mabilis niyang balik sa akin.

Mahal. Pagmamahal. Nakikita ko iyon sa mga magulang namin pero hindi ko maramdaman.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang likod hanggang sa makalabas siya ng gate saka lang ako tunalikod.

Nakasukbit sa likod ang aking knapsack habang bitbit sa kanang kamay ang isang handbag. Pawang maliit lang naman ang dalawa kong bag at hindi masasabing mabigat. Hawak ko sa kaliwang kamay ang kabuuang mapa ng Academy, nakasulat din sa likod nito ang rules and regulations. Wala naman akong masabi sa mga batas nila dito, sadyang iba lang talaga.

Katulad ng sabi ni Papa kagabi habang naghahapunan kami, ito ang pinakaunang pagkakataon na mag-aaral ako sa isang normal na Academy. Unang beses na mapapalayo ako sa kanila. Na hindi sila nakikita at makakasama araw-araw.

It really is my dream to finish my studies here, to the school where my Papa graduated with an honor. Sabi niya sa akin, mga mabubuting estudyante ang mga nag-aaral dito noong kapanahunan pa niya. Hindi lang ako sigurado kung hanggang ngayon din ba. Alam kong nag-aalala sila, alam ko din na mas mataas ang tiwala nila sa akin kaya hindi ko sila bibiguin.

Kasalukuyan akong nakatingin sa mapa ng Academy nang hindi ko mapansing na may patungo sa direksyon ko. Nagkabungguan kami kaya humingi ako ng patawad, "Sorry, hindi kasi ako nakatingin sa daan. Nasaktan ka ba?" iniangat ko ang tingin ko sa lalaking nakabungguan ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ilang segundo niya din akong tinitigan ng magsalita siya at ngumiti.

"I should be the one asking that, Missy. Transferee ka?" Tanong niya ng makita ang mga bitbit ko.

"Oo. Okay lang, ako ang may kasalanan. Sige, mauna na ako." Nilagpasan ko na siya at tinungo ang direksyon papunta sa girls dormitory na nasa kabila pa ng field.

Ang main building ay siyang nasa harapan ng Academy gate. Nasa kanan ng main building ang Junior High building at sa kaliwa naman ang Senior High. Sa gitna ang soccer field habang ang dormitory ay nasa dulo pa nito. Magkaharap ngunit malayo sa isa't isa ang girls dormitory sa boys dormitory. Ang gymnasium nila ay nasa likod ng junior high building.

Sa likod ng dormitory ay masukal nang kagubatan, ganun sa buong Academy. Hindi ko nga alam kung may bakod ba dito dahil pinakita na sa akin ni Papa ang buong hologram ng Academy at wala akong nakita na may pader na nakapalibot dito. Mukhang hindi ligtas.

At mukhang aabutin ako ng isang oras sa paglalakad pa lang. Hindi alintana sa akin ang init ng araw at ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi na din ako naninibago dahil nasabi na din ito sa akin ni Papa na kapag daw nakakita ang mga estudyante dito na bagong salta ay titignan nila kaagad.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now