Chapter 45 Out of town

Start from the beginning
                                    

"H-Hindi naman iyun ang sinabi ko." Depensa ko sa kanya. Mas lalo siyang ngumisi at umiling sa sinabi ko.


"Diba sabi mo kaya mo akong hindi pansinin?" Tanong naman niya sa akin pabalik. Linapit ni Kiel ang mukha niya sa akin. "Tingnan natin..."

Napalunok ako habang nakatingin kay Kiel na nakangisi. Sa bawat paglapit ni Kiel ay ang paglayo ko sa aking ulo dahil sa takot na magtama ang mga labi namin.


"H-Hindi ah. Di kita matitiis, ano ka ba!" Dahil sa patuloy na paglapit ni Kiel ay napasigaw na ako at tinulak siyang bahagya.

Para akong kakapusin sa hangin dahil sa paglapit ni Kiel.


"Di mo ako matitiis?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

Nahihiya naman akong tumango sa kanya. You're hard to resist, Kiel.


"Me too, baby." Sambit ni Kiel tsaka ako hinila palapit sa kanya at yinakap ako ng mahigpit. Tumama ang mukha ko sa kanya dibdib.

"You're the only one I can't resist." Sambit niya habang yapos-yapos ako sa kanyang bisig.


Napangiti naman ako habang nakayakap sa kanya. Rinig na rinig ko ang pagtambol ng dibdib ni Kiel. Mas lalo akong napangiti. I am not the only one having this fast heartbeat.

"Really?" Tanong ko sa kanya. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi.


Tumango siya habang nakatingala ako sa kanya at nakayuko naman siya sa akin.

"Kaya ko silang tiisin. I don't beg for their attention." Panimula niya habang hinihimas ang aking pisngi. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Pero naiiba ka, Jassy."


When Kiel said that, my heart skipped a beat for a moment.

"I want to have your attention, your time, your everything, all of you." Patuloy sa paghimas si Kiel sa aking pisngi. "I only want you."


Napangiti ako sa sinabi niya. I hugged Kiel tight. I never regret loving this guy.

"I love you, Jassy." Bulong ni Kiel habang magkayakap kami. I smiled.


"I love you too, Kiel." Sagot ko at naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Kiel sa akin.

"Pakasal tayo ha." Rinig kong sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko plinanong magpakasal noon, pero f*ck ngayon pa lang gusto na kitang dalhin sa altar at makasama kang mamuhay pagtanda."


Pakiramdam ko ay namula ng husto ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Kiel. I never thought maiisip iyun ni Kiel.

"Ako na ba ang nakikita mong babaeng dadalhin mo sa simabahan?" Tanong ko sa kanya tsaka siya hinarap. Linibot ng mga mata ni Kiel ang aking mukha at ang ngiti sa aking labi.


"Hindi ko lang nakikita, na-iimagine ko pa." Sagot niya. Natawa naman ako bigla at ganun din siya.

"Masyado mo akong binaliw eh, ayan masyado kitang mahal." Natatawang depensa niya. Hindi naman nawala ang mga ngiti sa aking labi.


"Wala akong ginawang gayuma sayo nuh." Depensa ko naman sa kanya.

"Exactly!" Sagot niya tsaka tumango-tango pa. "Wala kang ginawa pero nabaliw pa din ako."

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now