Chapter 45 Out of town

Magsimula sa umpisa
                                    


Nang maramdaman ko ang paglapit ni Kiel ay parang nanikip ang dibdib ko sa kaba. Hindi na ata normal ang paghinga ko?

"Hey, baby..." Mahinang niya tawag sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Sinikap kong lumingon sa kanya.


"Is everything okay? Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya at pinagmasdan ang mukha ko na tila ba ay naghahanap siya ng sagot sa aking ekspresyon.

Pinilit kong ngumiti sa kanya.


"No, I'm fine." Sagot ko. "Nabusog ako sa mga linuto ni Halmoni. Ang sarap kasi."

Pinilit kong ngumiti sa kanya at tumawa sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Dahan-dahang napalitan ng ngiti ang kanyang mukha.


"Solve na ba ang baby ko?" Malambing niyang tanong sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Tumigil ka nga Kiel." Suway ko sa pang-aasar niya. Tumaas ang kilay niya sa akin.


"Tigil na ako?" Tanong niya pabalik sa akin. Nakita ko ang paglapit niya sa aking mukha. Mabilis akong nakaramdam ng hiya at takot na baka mayroong makakita sa amin.

"Kiel..." Sita ko sa kanya. Hinawakan ko na ang dibdib niya para pigilan siya ngunit nagpatuloy pa din siya sa paglapit.


"Kaya mo ba akong tiisin Jassy kapag tumigil na ako?" Nakangising tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa mga mata niyang brown na brown. Napalunok ako.


"D-Depende..." Wala sa sariling sagot ko. Mas lalong tumulis ang pag ngisi niya. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Depende?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin. "Sige, tingnan natin."


Isang kurap ng mga mata ay binuhat ako ni Kiel na parang bagong kasal. Halos mapatili ako sa ginawa niya.

"Kiel! Ibaba mo nga ako. Anong gagawin mo sakin?" Utos ko sa kanya. Nakakahiya at baka makita nila kami ni Kiel.


"Just wait, my princess." Liningon niya ako at halos maduling na ang mga mata ko nang magtama ang aming ilong.

He chuckled and smiled while climbing the stairs. Napahawak ako sa kanyang leeg at natakot na baka mahulog ako kung hindi ako kakapit.


Pumasok si Kiel sa isang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang aking dibdib.

"Kiel! Saan mo ko dinala?" Tanong ko habang buhat-buhat pa din niya ako.


Nakita ko ang pagngisi at pagtawa ni Kiel. Huminto siya sa paglalakad at ilinapag ako sa isang matigas na bagay. Tiningnan ko at nakita kong lamesang kahoy ito. Linibot ko ang mga mata ko, nakita ko ang mga libro sa mga shelves. Sa library ako dinala ni Kiel!


"Kiel-" Tawag ko muli sa kanya ngunit mabilis kong itinikom ang aking bibig nang ikulong ako ni Kiel sa kanyang mga braso. Ilinagay niya ito sa magkabilang gilid ko habang naka-upo ako sa lamesa at nakatayo siya sa harapan ko.


"Let's see, if you can really resist me..." Mahinang sambit ni Kiel habang nasa harapan ko at nakatayo.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon