"But Daddy.. Two months nang tulog si Mommy.." sabi ni Lorenz.

"Kuya, magigising rin si Mommy.. Soon.." nakangiting sabi ni Sean.

Dalawang buwan na simula nang mangyari ang trahedya sa kanila. At nang araw din na yon ay pinuntahan nya ang kanyang mga anak.

Nagulat nga sya dahil alam na ng dalawa eh. Sinabi na pala ni Drius. Napakadaldal talaga non. Hindi manlang hinintay na si Rits ang magsabi.

Napailing nalang si Sean sa kakulitan ng kambal. Biglang tumunog ang cellphone ni Sean sa kanyang bulsa.

"O? Kumag?" bungad nya nang sagutin ang tawag.

"Brad! Punta ka dito ASAP!"

Nataranta si Sean kaya naman mabilis nyang pinatay yung tawag saka nagpunta sa may garahe at pinaharurot papuntang ospital ang sasakyan.

Tumatakbo syang nagpunta sa kwarto kung saan nandon ang walang malay na si Rits.

Pagdating nya ay wala namang nagbago. Nakaratay parin ito. Nasa gilid sila Kumag at asawa nitong si Princess.

"What happened?" tanong ni Sean.


"Sean, Pregnant daw si Rits." nakangiting sabi ni Kumag.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ni Sean. Napatingin sya kay Rits na nakahiga at walang malay. Napansin nya na medyo umbok na ang tyan nito.

"Thank you god.." naiiyak na bulong nya.

Lumapit sya kay Rits saka yumakap ng mahigpit. "I love you.." bulong nya saka hinalikan si Rits sa noo.

"Eight weeks na daw na buntis." sabi pa ni Kumag.

Ang saya saya ni Sean. Ngayon, makikita nya kung pano magbuntis si Rits. Masusubaybayan nya ang pagbubuntis ng kanyang minamahal.

Aalagaan nya ito. Kahit magmuka syang tanga. Kahit pahirapan sya nito kagaya noon. Hinding hindi na nya ito iiwan. Hinding hindi na.

Napapikit sya habang nakadukdok sa higaan at hawak ng mahigpit ang kamay ni Rits.

Kasabay non ay ang pag-balik ng ala ala na nangyari noon.



INIWAN NG MGA MAGULANG nila ang tatlong batang naka-formal suit sa bahay ng asawa ng kaibigan ng mga magulang nila.

"That's the house kids. Nanay, paki-tingnan muna po yung mga bata. Hindi po kasi pwede isama sa amin kasi matatanda lang ang pinapapasok don." wika ni Mr. Frantherson.

"Yes na yes, anak! Ay nako, ang gugwapo ng batang ire. Ang babango pa! Palagay ko'y kikiligin si Edna kapag nakita nya ang mga gwapong batang ito." sabi ng matanda na nakatingin sa tatlong nakatunganga lang.

"Let's go inside." wika ng anim na taong gulang na si Sean na nakaformal suit.

"O, sya! Punta lang akong tindahan para bumili ng pagkain nyo. Wag kayong aalis ha. Pasok na kayo sa bahay ko." bahagya sila itinulak ng matanda.

Naunang maglakad si Sean sa tapat ng pinto. Kumatok muna sya.

Ngunit walang nagbubukas. Kumatok syang muli.

"Hey, Sean! Pumasok ka nalang wag ka nang kumatok!" sigaw ng medyo nasa malayong si Drius.

"Whatever!" kumatok syang muli.

Sa pagkakataong ito may nagbukas na. Nanlaki ang mata ng batang babae saka napanganga.





"SINO KA? SAAN KA NANGGALING?! ANONG PANGALAN MO?!?" gulat na sigaw nito.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now