Chapter 20

5.1K 93 6
                                    

⚠️ BABALA: Iwasan po natin ang chapter na ito kung tayo ay inosente. Mangyari lamang po na i-skip na natin ang part na 'to kung ayaw nyo ng bedscene. Kung nalalaswaan kayo, I'm sorry. Part ng story na 'to ang ganong---

NAPATINGIN ako sa natutulog na si Sean. Naulit nanaman. Nasa sofa sya at nilalamok.

Naglakad ako papunta sakanya. "Sean.." tawag ko. "Gising.. Malamok."

Nagdilat naman sya ng mata.

"Doon ka matulog sa kwarto." utos ko.

"Bakit?" tanong nya.

"Malamok dito. Kita mo nilalamok ka na." sagot ko.

"Matutulog tayo sa iisang kama? Seriously?" kunot noong tanong nya.

"O-Oo."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Naaalala ko 'to. Ganito ang nangyari non.

"I'm still a man, Lorie." sabi nito. "Lalaki parin ako."

"Alam ko ang iniisip ng mga lalaki kapag may katabi silang babae. Mapupusok kayo. At kapag iniisip mong magkatabi tayo sa iisang kama, tinitigasan ka. Normal lang 'yon." wika ko.

"How did you know?"

"I just know. Sige na, halika na. Wala naman akong gagawin eh." pilit ko sakanya.

"Just promise me one thing." sabi nito.

"I promise, na kapag may ginawa ka itutulak kita palayo para matauhan ka." sabi ko saka lumapit sakanya. "Let's go." kahit nakakunot ang kanyang noo ang gwapo parin nya.

---

"Goodnight." wika ko.

Magkatalikod kami ni Sean. Bakit ba ang awkward parin kahit sa pangalawang pagkakataon?

"Goodnight." sabi naman n'ya.

Uungol palang sana ko nang magsalita s'ya.

"I have a wife." sabi nito saka bumangon.

Nangunot ang noo ko. Ano?! Punyemas! May itinitira na sya sa bahay na 'to?! Putang ina! May asawa sya? Ang kapal ng muka nilang dalawa na dito pa magbahay!

"Iniwan n'ya ko.." sabi pa nito.

Naluha ako sa sinabi nya. Mabuti nga sayo't iniwanan ka! Siguro ginago mo rin!

Hindi ko mapigilang maiyak ngunit mahina lang. Ang sakit sa puso na may asawa pala 'tong gagong 'to! At ang kapal nya para dito sila tumira.

Marahas kong pinahid ang luhang dumadaloy saakin pisngi.

"May asawa narin ako!" at ikaw 'yon!

Gusto kong idugtong iyong ngunit anong magagawa ko? Hindi naman totoo ang kasal na 'yon. Hindi ko sya totoong asawa.

"Then what are you doing here in bed with me?" tanong nito.

"Matutulog lang naman ah!" sigaw ko.


"I'm sure that Rits will be angry kapag nalaman n'yang nagpatuloy ako ng babae dito." sabi nya.

Napahinto ako sa sinabi nya. Rits.. Matagal nang walang tumatawag saakin non. A-Ako ba ang tinutukoy n'ya?

"Si-Sino 'yong Rits?" tanong ko.

"She's my wife." yumuko ito. "But I can't remember her. Sabi nila Kumag, may nagawa daw akong kasalanan sakanya kaya sya umalis." sabi nito. Nanginginig ang kanyang boses. Umiiyak sya.

"Ano.. Ano bang nangyari sayo?" kahit kinakabahan nagawa ko paring magtanong.

"Naaksidente ako. Six years ago. Papunta ko sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero paggising ko wala na kong maalala. Wala na kong makita." sagot nya.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now