Chapter 3

7.9K 112 1
                                    





"KANINA ka pa nakatulala d'yan, Loretta. May problema ba?" tanong ng amo n'yang si Nanay Edna.

"Ah. Wala naman po may naisip lang ako." hinalo n'yang muli ang lugaw na nakasalang sa malaking kaldero.

"O, sya. Dalian mo d'yan at nang makauwi ka na. Baka pagod ka lang." sabi nito saka nagpunta na sa labas.

Nasa trabaho s'ya ngayon. Taga serve s'ya sa lugawan. Pero ngayon nasa loob muna s'ya upang bantayan ang nakasalang na lugaw.

Pinatay n'ya ang kalan at nagpunta sa labas.

"Pa-order ng Lugaw na may itlog, tas coke." sabi ng babae. Kaagad s'yang kumuha ng order.

Hindi n'ya maialis sa isip ang lungkot sa mata ng binata. Ano kayang ginagawa n'ya ngayon? Tanong n'ya sa sarili. Tama ba ang ginawa ko? Medyo nakokonsensya siya sa pag-iwan n'ya ng biglaan kay Sean.

Pero hindi naman nya kilala yung lalaki, bakit s'ya mag aalala? Hayst.

"Eto na po." inabot ng babae ang bayad.

Isang oras nalang at matatapos na ang trabaho n'ya. Pwede na rin syang makauwi at makapag pahinga.

---

ALAS OTSO ng gabi, naglalakad nang pauwi si Rits. Tahimik ang buong lugar. May dala s'yang lugaw. Iyon ang hapunan n'ya. Binigyan s'ya ni Nanay Edna kanina ng limang daan. 'Yon ang sweldo n'ya sa isang buwan.

Tahimik ang kanyang paglalakad nang may maramdaman s'yang sumusunod. Bigla s'yang inatake ng kaba. Mabilis s'yang naglakad ngunit parang mas bumilis din ang yabag. May sumusunod ba sakanya?

Kabado man ay nagmadali parin s'yang maglakad.

"Psst." napahinto s'ya. Ngunit naglakad muli. May pumapaswit.

Abot abot ang kaba nya habang naglalakad. Sana naman walang mangyaring masama.

"Psst!" may pumaswit muli. Kinabahan nanaman s'ya. Lord, wag nyo po akong papabayaan.

"Psst, Miss!" tawag nanaman. This time, tumakbo na sya. Pero dahil sa katangahan natisod s'ya.

"Miss. Bakit kasi takbo ka ng takbo?" tanong ng malaking lalaki na papalapit.

Nangilabot s'ya nang makita ang pagmumuka ng lalaki. Muka itong naka-drugs. Namumula ang mata at napakalaki niyon. Balbas sarado at nakakadiri ang katawan. Nagmamantika at puro muscles.

"A-ano pong kailangan n'yo?" hindi n'ya napansin na may mga kasunod pala ito. Tatlo pang lalaki na malalaki rin ang katawan.

Napalunok s'ya habang piping nagdarasal. Takot na takot sya sa hitsura ng mga kalalakihan.

"Pwede ka bang tikman, Miss?" tanong nito.

"Sexy ka naman eh. At ang ganda mo." tumitig ito sa kanyang dibdib. Niyakap n'ya ang sarili.

"Huwag po." nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Nakakadiri naman kung dito n'ya isusuko ang sarili. Malibog s'yang babae alam n'ya yon ngunit mataas ang standards n'ya sa lalaking gusto n'yang maka-una sakanya. Katulad nalang ni..

"Sean.." napapikit s'ya. Naalala n'ya ang binata. Si Sean.. Ito ang nasa isip n'ya ngayon.

"Sean.." napaiyak s'ya. Hindi lang iyon at napahagulgol pa sa sobrang takot.

"Rits.." napadilat s'ya at namilog ang mata nang makitang bagsak na sa lupa ang apat na lalaki. At sa harap nya ay nakita nya ang nakaluhod na taong laman ng isip nya.

"Sean.." niyakap n'ya ito. Nanginginig s'ya sa takot.

"A-Akala ko.. Mare-rape na ko." umiyak s'ya ng umiyak.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon