Chapter 41

4.4K 79 1
                                    


"MAMAMATAY SI LORIE, Para hindi n'ya makuha si Sean sakin!" narinig ko ang boses ni Driana na parang nakatayo lamang saaking harapan. Hindi ko makita ang paligid dahil madilim. Tanging malaking ilaw lang na nakatapat saakin ang liwanag sa buong silid.

Nagdilat ako ng mata saka tumambad ang nakangising si Driana. Naramdaman ko ang pananakit ng aking katawan. Nakagapos ako sa upuan.

"Driana!" galit na sigaw ko. Lumapit sya sakin saka sinampal ako.

"Malandi! Mang aagaw! Putangina mo!" galit na sigaw nito habang pinanlilisikan ako.

"Wala kong inaagaw sayo!" sigaw ko pabalik.

"You stole Sean from me! Dati pa man ay plano ko na syang pakasalan pero dahil sayo ay hindi nangyari 'yon! Die, bitch!" sinampal nya kong muli. Naramdaman ko ang pag agos ng dugo mula saakin ilong.

"Well, mamamatay ka narin lang, sasabihin ko na sayo 'to." nakangising sabi nya saka umatras at humalukipkip.

"Business partner ni Daddy si Sean. Katulad ng Papa mo. Inutusan sya ni Daddy na patayin ang heredera ng Frantherson Company. Kapag nangyari 'yon, makukuha ng Daddy ko ang 50% na yaman nyo kasi nag invest sya at iyon ang kasunduan. Na kapag hindi ka natagpuan, kay Daddy ko mapupunta lahat." ngumisi ito.

"Madami silang inutusan pero.. May isang lalaking.. No, dalawa.. May dalawang lalaking nagprisinta na sila ang papatay sayo.. Guess who? Si Sean.. Nagpanggap sya na bulag at walang maalala, nang sa ganon mahulog ka sa patibong nya. At kitilin ang iyong buhay." umigting ang kanyang panga saka sinamaan ako ng tingin.

"Pero tintraydor nya kami! Nalaman ko na sinabi nya sa Papa mo ang balak ng Daddy ko, at kasama pala sya sa nagpoprotekta sayo! Naging malapit sayo si Sean para protektahan ka hindi para wakasan ang buhay mo!" tumulo ang mga luha mula saaking mata.

Po-protektahan ako ni Sean? Magkasabwat sila ni Papa? Tumulo ng tumulo ang luha ko. Pero.. Never na sinabi ni Papa ang tungkol kay Sean. Bakit hindi nya sinabi?

"Naging disidido ako, naging disidido akong ipapatay ka. Remember, noong may apat na lalaking gustong manrape sayo 7 years ago? Tauhan ko sila.. Pero pinabagsak sila ni Sean. Sean saved you. Nalaman ko lang 'yon lately.. Noong nalaman mo na.. Na papatayin ka dapat ni Sean which is not true. Umamin sya na hindi ko sya kakampi. At ang hangarin nya ay protektahan ka!" sinampal ako nitong muli.

Nahilo ako sa sampal nya. Lumuluha parin ako. Wala akong masabi.

All this time, walang naging kasalanan saakin si Sean. Hindi nya ko papatayin. Ang naging kasalanan nya lang ay nagsinungaling sya. Wala syang ginawang masama.

"At ang isa pang inutusan ni Dad.. Walang iba kung hindi sya.." may itinuro si Driana ang gilid nya.

Namilog ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na kasabwat sya.






"J-Jared.." napaluha ako. Akala ko kaibigan ko sya. Hindi pala. Sya pala dapat ang kinamuhian ko.

Nakangisi ito at taas noong lumapit saakin. "Hi, Rits." bati nito.

"Putang ina mo! Putang ina mo, Jared!" sigaw ko habang nanginginig sa galit.

Lumapit si Driana saka sinampal muli ako. "Wag mo syang murahin! Pasalamat ka sakanya, mamamatay ka nang mararamasan ang sarap sa huling sandali."

Nangilabot ako. Tumingin ako kay Jared na nakangisi. "Oo, magpapasalamat ka talaga sa gagawin ko sayo mamaya, babe." nakangising sabi nito.

Hindi ito si Jared. Hindi sya ang Jared na nakilala ko. Masakit saakin ang ginawa nya. Nagtiwala ako sakanya bilang kaibigan ko.

"So? Maiwan na namin kayo? Jared, paligayahin mo ang impaktang 'yan bago mo sya kitilan ng buhay." sabi ni Driana.

Tumalikod na si Driana saka naglakad papunta sa pinto ng silid. Umagos ng umagos ang luha mula saaking mga mata. Tumingin ako kay Jared na nakangisi.

"Akin ka ngayon, Rits.." malademonyong sabi nya saka lumapit saakin at hinaplos ang magkabila kong braso.

---

"Salamat sa lahat. Napasaya mo ko kahit kasinungalingan lang pala yung mga pinakita mo."

Lumuluhang tumakbo paalis si Rits. Akmang hahabulin na sya ni Sean nang pigilan sya ni Driana.

"Fuck off, Driana!" itinulak nya ito palayo saka tumakbo.

"Honey.." humabol si Driana kay Sean.

"Driana! Let's stop this! Hindi mo ko kakampi!" natigilan si Driana nang isigaw nya iyon.

Huminto sa pagtakbo si Sean saka hinarap si Driana. "Inaamin ko na!"

"I'm not one of you, Driana!" giit ni Sean. "Hindi ko kayang patayin si Rits! At hinding hindi ko gagawin 'yon!"

"P-Pero.. Diba mahal mo ko--"

"No, Driana! Si Rits ang mahal ko!" galit na sigaw ni Sean.

Tumawa ng mapakla si Driana. "Sabi ko na nga ba. So, iyon ang dahilan kung bakit mo binugbog si Jared nang makitang mong ilalabas sya ni Rits? Nagselos ka? Ganon ba?" basag ang boses nito.

"I'm jealous. And at the same time, galit, dahil alam nating pareho na balak nang patayin ni Jared si Rits nang gabing 'yon.. At nagalit ako kay Rits dahil sa pagbebenta nya ng katawan iyon pala ako ang dahilan ng lahat ng 'yon.. Nasaktan ko sya." lumuha si Sean.

Iniwan nya si Driana na nakatanga lang. Naglakad sya. Hindi nya alam kung saan sya pupunta.. Gusto nyang hanapin si Rits at ipaliwanag dito ang lahat.

"Sean." may lalaking tumawag kay Sean.

Namilog ang mga mata ni Sean nang makita sya. "Drius."

"Fuck you for hurting my cousin, Sean! Ang sabi mo mahal mo sya! Bakit mo sya sinaktan?! Putangina mo!" binangasan sya ni Drius.

Dumugo ang gilid ng labi nya. Ngunit ayaw nyang lumaban.

"Nasaktan mo na ang pinsan ko, Sean! Tama na! Idadala ko na sya kay Tito! At sisiguraduhin kong hindi na sya masasaktan ulit!"

Biglang bumalik sa ala ala ni Sean ang gabing sinaktan nya sa kama si Rits. Bumigat ang loob nya. Hindi sya deserve ni Rits. Isa syang gago. Mukang kailangan na nyang i-let go si Rits kahit masakit.

"Take care of her, Drius." hindi alam ni Drius ang tungkol sa kasunduan nila ng Papa ni Rits. At hindi naman na dapat nito malaman.

"Gagawin ko talaga 'yon! Asshole!" sinipa sya nito sa tuhod saka umalis na ito para hanapin si Rits.


NAGTUNGO si Sean kay Mr. Frantherson. Ikinuwento nya ang mga nangyari. Humingi sya ng tawad sa matanda. Sinuntok sya nito ng ilang ulit.

"Damn you for hurting my daughter!" gigil na sabi nito. Lumuhod si Sean sa harap nito.

"I'm so sorry, Sir. I know that. Sinaktan ko sya. And she doesn't deserve me. Lalayo nalang ako. Hindi na ko babalik pa sakanya. At sana huwag nyo nang sabihin ang tungkol dito. Hindi naman na nya dapat malaman ito eh." lumuluhang sabi ni Sean.

"I love your daughter, Sir. Take care of her, please." tumayo sya saka tumalikod. "Mas minahal ko sya noong tumira ko sakanya. You know what, Sir.. Kaya nyang tumayo sa sarili nyang paa. Napakasipag nyang babae. Hindi nya kailangan ng yaman pero gusto kong ibigay sakanya lahat ng the best."

"And one last thing, gusto kong ilipat sa pangalan nya lahat ng pera at ari arian ko." ngumiti si Sean sa matandang seryoso ang tingin sakanya.

"Sayang lang at hindi ko nasabi sakanyang mahal na mahal ko rin sya."




Nagising si Sean. Napabalikwas sya ng bangon habang hinihingal. Nakatali ang mga kamay nya.

"Shit!" mura nya.

"I remember it all. I remember everything!"

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin