Chapter 25

4.5K 77 2
                                    

NAKATANAW ako mula sa malayo.

Nandito ako sa palengke na pinagtatrabahuhan ni Sean.

At gusto ko lang sabihin na hindi ko naman sya inistalk noh!

Nagkataon lang na napadaan ako dito.

Seriously? Isang oras ang layo nito sa bahay mo! wika ng malandi kong utak.

Muli akong sumilip sa binocular ko. Oh! Baka iniisip nyo na may dala pa kong ganon para mang stalk. FYI, lagi akong may ganito noh!

Kinapa ko ang passenger seat saka dumakot ng potato chips. Saka isinubo iyon at nginuya habang nakasilip parin.

Wala namang problema. Nagtatrabaho lang si Sean.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko. Naka-wig ako ng kulay pink at nakasuot ng pang-kpop na outfit.

Wag nyong sabihing nag disguise pa ko. Hah! Akala nyo naman. Uso kasi yung ganito. Nakikita ko sa facebook yung ganito kaya naman ginaya ko.

Sumilip akong muli. Muntik ko nang masapok ang sarili ko nang may mapagtanto.

Hindi nga pala ko makikita ni Sean. Bulag sya. Pero paano kung joke lang nyang bulag sya? Infairness, ang pagbubulag bulagan nya ngayon ay mukang totoo.

Nagsalubong ang aking kilay nang makita si Althea na naka-gown. Ano yan magsasagala sya? Mukang tanga! Ang init init nakaganyan! Nagpapapansin nanaman kay Sean ngunit hindi naman sya nito makikita!

Hindi ko marinig ang sinasabi ng gaga ngunit may dala syang softdrinks. Siguro'y inaalok nya ito non.

Napairap ako. Ang kapal, kapal, kapal, kapal, kapal at sobrang kapal ng muka ng hitad na yon.

Ghad, akala naman nya papatulan sya ni Sean. Hindi sya ang type ni Sean.

Teka? Ano bang type ni Sean sa babae?

Siguro ako. Feeling ko talaga ako yung type nya eh. Kasi hindi naman nya ko ikakama kung hindi. Hindi naman sya masasarapan sakin kung hindi. Type nya siguro ko? Hmm..

Teka? Nag-sex na kaya sila ng malanding yon?

Yuck! Biglang kumulo ang dugo ko! Wari ko'y nanlalaki ang butas ng ilong ko.

"Bwisit!" singhal ko habang nakatingin sa dalawa.

San nya ba napulot 'yang babaeng yan?! Gosh!

Kinagat ko ang aking hintuturong daliri dahil nang gigigil talaga ko.

Tinitigan ko si Althea na todo hawak sa braso ng manhid na si Sean. Kwing inamers! Ang lalandi nyo!

Pinaandar ko ang engine ng kotse saka pinaharurot. Mabilis ito at walang pakielam kung may masagasaan.

Naiinis talaga ko sa bwisit! Pabebe! Maharot! Malandi! Makati!

Nanlaki ang mata ni Althea at napatili sa gulat nang muntikan na syang mahagip ng sasakyan ko. Malakas akong nagbusina kaya napatalon pa ang loka.

Humahalakhak ako na parang nagtagumpay. Tinignan ko ang side mirror at nakita ko ang nakabulagta sa sahig na si Althea.

Sa sobrang takot siguro ay nahimatay! Buti nga sayo!

---

NAKASILIP ako kay Sean na nasa gitna ng mall. Nakasumbrero sya at naka-tshirt na brown at maong na pantalon.

May mga inaabot syang flyers sa mga taong nagdadaan. Karamihan sa kumukuha ng binibigay nya ay babae. Kilig na kilig ang mga hitad!

Ito namang Sean na 'to, todo bigay.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Kde žijí příběhy. Začni objevovat