Chapter 38

4.2K 81 1
                                    

"ANG TAGAL mo naman. 6:19 pm na oh." tinignan ni Jared ang suot nyang relo.

"Let's go." wika ko kay Jared.

Nang mapatingin sya sakin ay napatanga sya. "Wow." usal nya habang nakatingin sakin.

"You never failed to impress me. Ang ganda mo." puri nya.

"I know that." nakangising sagot ko.

Nagsuot ako ng kulay gray na backless at fitted na dress. Saka high heels na kulay gray na may glitters.

Habang nasa daan ay medyo kinakabahan ako. Magkikita kami ni Driana. Huling nakita ko ang bruha noong nilantad nya ang katotohanan, Seven years ago.

Well, may panama naman na ko sa gagang 'yon! Mas maganda ko sakanya sigurado.

PAGPASOK sa mamahaling restaurant ay agad kaming sinalubong ng isang matandang lalaki.

"Any reservations, Ma'am? Sir?" magalang na tanong nito.

"May kasama kami."

Nagtungo kami sa VIP. Nasa pinakaitaas ito ng restaurant.

Nang makita ko ang bulto nila Sean naglakad kami ni Jared. Naramdaman ko ang paghawak nya saaking kamay. "Relax." bulong nya. Tumango lang ako.

"We're here." malamig na sabi ko.

Tumingin saakin si Sean. Napatitig sya ng kaunti saka bumaba ang tingin sa kamay namin ni Jared. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Sean.

"You are 30 minutes late." usal nito.

Ngumiti lang ako ng peke. "Traffic."

Umupo kaming dalawa ni Jared. Nakatingin lang ang dalawa saamin. Hindi ko maiwasang mailang dahil katapat ko si Sean na nakatitig.

"Hi. My name is Driana Hergazon Reinhart. I'm the CEO of Hergazon Company. And this is my husband Sean Denzel Reinhart." pakilala nya kay Jared.

"Well, I'm Jared Alferos. And this is my girlfriend." sabi nito saka tumingin saakin. Nagsimula kaming kumain. Paminsan minsa'y napapatingin ako kay Sean na hindi na nahiya, nakatitig! Nako-concious tuloy ako habang kumakain.

Hindi ako kumibo. Bakit ba sya nagpapanggap na boyfriend ko? As if namang magseselos ang nasa harap kong masama ang tingin ngayon.

Teka? Bat ang sama nyang tumingin kay Jared?

Para itong napatigil at bigla napatulala sa kawalan. Parang ang lalim ng iniisip. Bigla itong pumikit ng mariin.

---

PARANG tumigil ang kanyang mundo ng makitang maghahalikan na ang dalawang nasa kotse. Parang pinunit ang kanyang puso.

"Ako na." tinapik ni Kumag ang balikat nya saka nanakbo papunta sa pinto ng Driver's seat.

Binasag nito ang bintana ng kotse dahilan para mapitlag ang dalawa.

Sumugod sya saka hinila palabas ng sasakyan ang lalaki. Sinuntok nya ito sa sikmura. Wala syang pakielam kahit mamatay ang lalaking 'yon.

Pinagsisipa nya ang lalaking nakabulagta sa sahig. Duguan ito at puro bangas ang mukha.

"Sean, tama na!" may humablot sa damit ni Sean.

Hinarap nya ang babae. Wala itong muka. Ngunit may kaboses ito..

Napadilat si Sean nang tawagin sya ni Driana na mukang nag aalala.

"Are you okay?" tanong nito. Tumango sya saka tumingin kay Jared.

Ito ang lalaki sa ala-ala n'ya. Kasama nito ang babaeng hindi nya mamukaan. Napatingin sya kay Lorie na mukang nag aalala rin ngunit biglang nag iwas ng tingin.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon