Chapter 29

4.3K 85 4
                                    

NAPAHIKAB ako saka lumabas ng elevator.

Maghapon akong nasa conference. Nagkaroon ng meeting. Nakakainis ang dami kong ginawa.

Ano kayang ginagawa ng Sean na 'yon?

Naglakad ako papunta sa room 69. Pinindot ko ang passcode saka pumasok nang mabuksan iyon.

Ang tahimik ata? Asan yung lalaking 'yon? Inilibot ko ang tingin. Nasan ba 'yon?

"Sean?" tawag ko. Ngunit walang sumasagot.

Naglakad ako patungo sa kwarto. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Sean.. Kasama ang anak kong si Sett.

Nilukob ng takot ang pusong sistema ko. Hindi pwedeng mapalapit si Sett sa Sean na 'yan.

Napahinto ako dahil nakikita kong magkayakap sila at tulog. Parang may humaplos sa puso ko. Pero sa kabila ng lahat ay nananaig ang takot.

Takot na baka malaman ni Sean na may anak kami at malaman nyang ako si Rits.

Dali dali kong sinugod si Sean saka hinablot sya mula sa pagkakayakap kay Sett.

"Lorie--"

"Stay the fuck away from my daughter!" galit na sigaw ko.

Nanginginig ako. Sa galit at takot. Kinakabahan ako. Ayokong malaman nilang si Sean ang tatay nila. Ayokong makapasok sya sa buhay ng mga anak ko. Mas mabuting ako lang ang kilalang magulang ng dalawa kaysa naman makilala nila ang kanilang ama na niloko lang ako.

"Lorie, Sorry. May lagnat kasi--"

"Wala kong pakielam sa sasabihin mo! Get the fuck out! Umalis ka! Hindi ka namin kailangan! Layuan mo ang anak ko!" galit na sigaw kong muli.

Namumuo ang luha saaking mga mata. Nakikita ko ngayon si Sean na nakatayo at mukang nag aalala. Iniyukom ko ang aking kamao saka humarap sa nakaupo nang si Sett.

"Mommy!" sigaw nito na parang binabawal ako.

"Lumabas ka! Lumabas ka sa kwarto ko, you asshole! Get out!" malakas na sigaw ko.

Hinawakan ako ni Sett sa braso saka hinila hila. "Mommy! Wag mo syang sigawan!"

Dali daling naglakad palabas si Sean palabas ng kwarto saka sinara ang pinto. Napaupo ako sa kama dahil sa pang hihina ng aking tuhod. Tuluyang naglandas ang aking mga luha.

"Mommy, bakit mo tinaboy si Daddy?" umiiyak na sabi nya.

Napaharap ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya saka umiling.

"No, No.. Hindi sya ang daddy mo, Baby. He's not your dad! Nadadala ka lang ng paniniwala mo at ng damdamin mo sakanya. But believe me. Hindi mo sya daddy." umiiling na sabi ko.

Pinunasan nya ang kanyang muka. "Can you please stop lying just once? Base on your reaction kanina, Mom.. I know na natatakot kang malaman namin na sya ang daddy namin." umiiyak na sabi nya.

Matalino si Sett. Tuso at matured kung mag isip. Naghihinala sya siguro una palang kasi panay ang tanong nya sakin dati tungkol sa daddy nya.

"Sett, listen to me I'm your Mom." matigas na sabi ko.

"And he's my Dad. Mom, you know what, inalagaan nya ko kanina. Alalang alala sya sakin."

Napahinto ako saka tumitig sakanya na lumuluha parin. "Tell me, Mom. Is he my dad?"

Tumikom ang aking bibig saka tumayo. Iniwan ko syang nakaupo lang sa kama. Iniyukom ko ang aking kamao.

---

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu