Chapter 44

5.2K 95 14
                                    





NAGMAMADALI si Sean na maglakad sa hallway ng ospital.

Hindi nya dinaramdam ang sakit ng buong katawan. Ang mahalaga lang ay makita nya si Rits. Pipi syang nagdarasal para sa kaligtasan nito.

"K-Kamusta po yung pasyente?" tanong ni Kumag sa doctor na lumabas ng emergency room.

"Successful, pero hindi tayo makakasiguro. Matindi ang tinamo ng pasyenteng na passenger seat. Pero mabuti nalang hindi sya ganon kalala sa nasa Driver's seat. The girl in Driver's seat died." sabi nito.

"Nasa morgue na sya. Sa pagkakaalam ko, She hugged the girl in the passenger seat kaya naman hindi namatay ito dahil naprotektahan." sabi pa nito.

"Kailangan pa naming iexamine ang katawan ng pasyente dahil may mga nabaling muscles sa kanyang braso." umalis na ang doctor.

Napaupo si Sean saka nagdasal muli.

"Driana saved Rits." usal ni Jared na duguan rin.

"Nahuli na ng mga pulis ang mga lalaking kasabwat ni Driana." sabi ni Kumag.

"Driana saved her.. Bakit ginawa ni Driana 'yon? I'm so thankful na niligtas nya si Rits.. But.. Why?" naguguluhang tanong ni Sean.

"Because Driana loves you." sabi ni Jared.

"You know that, Buddy. She loves you. At pinrotektahan nya si Rits dahil alam nyang mahal mo sya." nasapo ni Sean ang kanyang mukha.

"Saan ang morgue, Kumag?" tumayo si Sean.

"Ahh don lang yon." naglakad si Kumag papunta sa morgue.

...

NAKATULALA lang si Sean habang nakatingin sa nakataklob na bangkay ni Driana.

"I-I'm sorry for not loving you as much as you loved me." naiyak si Sean.

"You're my friend. Hanggang doon lang. Alam mong si Rits ang mahal ko.. Thank you, Driana. Thank you for not taking away my life from me. Thank you for saving my happiness. You did it, may nagawa kang ikakasaya ko. Maraming salamat, Driana. I'm sorry for being a jerk. Sorry dahil hindi ko naibigay ang pagmamahal na gusto mo." suminghap muna si Sean.

Narinig ni Sean ang mga hagulgol ni Kumag sa likod nya. Napatingin sya rito nang kalabitin sya.

"B-Bakit.. Bakit ang tanga mo, Sean?" tanong nito sa pagitan ng paghagulgol.

"What?" naguguluhang tanong nya.


"Ba-Bakit ang tanga tanga mo? B-Brad.. Hindi si Driana yan. Ito sya oh, sa likod mo." itinuro nito ang isa pang bangkay.

Namilog ang mata ni Sean. Tinapik naman ni Kumag ang balikat nya.

"Ako lang nakakita, Sean." sabi nito saka umiyak ulit. "Hayaan mo narinig naman nya yung mga sinabi mo kasi malapit lang sya. Ikaw kasi.. Nanjan sya palagi malapit sayo, pero kahit kailan hindi mo sya nakita.."

Napangiti nalang si Sean dahil sa katangahan nya.

"Rest now, Driana. Thank you for saving her. Pinapatawad narin kita sa mga nagawa mo." bulong nya.






---

"DADDY!" halos sabay ang pagsigaw ng kambal.

Agad na sinalubong ni Sean ang dalawang anak na nagtatakbo papunta sakanya.

"Daddy, gising na po ba si Mommy?" tanong ni Sett na nagpabuhat sakanya.

"She's still in coma, Baby. Hayaan nyo na gigising rin si Mommy." hinalikan nya si Sett sa pisngi. Ngumuso ito.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now